Friday , March 1 2024
dead gun police

8 drug suspect utas sa vigilante

WALONG kalalakihan ng hinihinalang sangkot sa droga, kabilang ang isang barangay kagawad, ang patay makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa magkakahiwalay na insidente sa Caloocan City.

Dakong 12:00 am kahapon nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sina Kenneth Satairapan, 22, at Noel Calimbas, 59, sa Saint Cecilia St., Maligaya Parkland, Brgy. 177.

Dakong 10:50 pm nitong Miyerkoles, natagpuang walang buhay sina Barangay Kagawad Martin Parallag, 53, at Leandro Avila sa harap ng Caloocan Gas Corporation sa Diamante St., Brgy. 166 Kaybiga.

Nakatayo sa waiting shed sa kanto ng Sampaguita St. at Quirino Hi-way, Brgy. 185 si Delfin Lodor, 36, dakong 10:30 pm kamakalawa nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki.

Habang naglalaro ng online game sa loob ng Igy at Kyles Computer Shop sa Alpe Compound, Brgy. 165, dakong 9:19 pm si Gerald Gutierrez, 28, nang pagbabarilin ng lalaking nakasuot ng bull cap at face mask.

Namatay si Raymundo Alabantak, 45,makaraan putukan sa ulo ng riding-in-tandem suspects sa ABC Main Road, Kingstown 1.

Dakong 6:45 pm, naglalakad sa Little Baguio, Miramonte Heights, Brgy. 180 si Jacob Garcia, 47, dating Barangay Executive Officer (Ex-O), nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

SM Foundation farmer 1

From passion to prosperity
SM Foundation farmer-beneficiary now an agripreneur, draws inspiration from Henry Sy, Sr.

KSK alumna Virgie with some of her mushroom chicharon products Gone are the days when …

April Aguilar Brgy Pilar Las Piñas

VM Aguilar pinangunahan ang pagtulong sa mga nasunugan sa Brgy. Pilar

PINANGUNAHAN ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng tulong sa mga …

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Eagle Cement, nagtanim ng 2,000 bakawan sa Hagonoy, Paombong

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Eagle Cement, nagtanim ng 2,000 bakawan sa Hagonoy, Paombong

UPANG panumbalikin ang mga bakawan sa mga baybaying barangay ng lalawigan, nakipagkaisa ang Pamahalaang Panlalawigan …

Wanted na mga criminal, drug dealer sa Bulacan kinalawit

Wanted na mga criminal, drug dealer sa Bulacan kinalawit

NAGSAGAWA ng matagumpay na operasyon ang pulisya ng Bulacan kamakalawa, na nagresulta sa pagkaaresto ng …

Andre Perez Dizon

PBGen Dizon pinarangalan ng PNP NHQ (sa epektibong pamumuno sa hanay ng Kasurog Cops PRO5)

GINAWARAN ng “Medalya ng Katangitanging Gawa si Police Regional Office 5 Director PBGen Andre Perez …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *