Thursday , June 4 2026
rape

5 nene inabuso ng stepfather

ARESTADO sa mga awtoridad ang isang 50-anyos lalaki makaraan halayin ang limang anak na babae ng kanyang kinakasama sa Pagadian City.

Nitong Miyerkoles nang matuklasan ang pang-aabuso ng suspek sa mga biktima nang magsumbong sa guro ang isa sa kanila.

Paglalahad ng biktimang 12-anyos, paulit-ulit siyang ginahasa ng amain sa loob ng apat na buwan, at ang pinakahuli ay nitong nakaraang linggo.

Agad nagsumbong ang guro sa mga awtoridad at doon natuklasan na ma-ging ang tatlong ate ng dalagita, at ang isang taon gulang nilang bunso, ay pinagsamantalahan din ng kanilang amain.

Ayon sa mga biktima, matagal nang alam ng kanilang ina ang ginagawang kahalayan sa kanila ng suspek ngunit walang ginawang hakbang ang ginang.

Nang maaresto, inamin ng suspek na ginahasa niya ang nagsumbong na 12-anyos na biktima dahil sa galit niya sa magkakapatid.

Ngunit itinanggi na pinagsamantalahan niya ang apat pang kapatid ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …