BOC-MICP section chief alyas Dracula namamayagpag na money-sucker!
Akala ng inyong lingkod ay ‘lusaw’ o naglahong bula na ang isang customs section chief na kung tawagin ay alyas Dracula ng Manila International Container Port (MICP).
Isang maling akala pala…
Noong panahon ni dating Customs Commissioner John Sevilla ay inirereklamo ang nasabing ‘maninipsip ng dugo ‘este kuwarta’ ng mga broker/importer.
Wala raw kasing pangalawa sa kawalanghiyaan at katakawan sa pera. Tara rito, tara roon ang ginagawa kaya umiiyak ang mga broker kapag dumaan ang kargamento sa kanyang section.
Ang estilo ngayon ni alyas Dracula, tatara-han ng additional tax ang isang kargamento kahit walang diperensiya, at kikikilan pa ng overtime pay para sa kanya na hindi bababa sa P10,000 bawat container van. Kung hindi susunod sa pangingikil niya ‘e tiyak puro delay ang aabutin ng kargamento.
Sonabagan!!!
BOC-MICP Collector Mel Pascual, mantakin ninyo kung gaano kalaking kuwarta ang napupunta sa bulsa ni alyas Dracula?!
May quota raw kasi na P200k kada araw dahil may malaking obligasyon daw siya sa ‘itaas’ (2ND FLOOR)?!
Commissioner Nicanor Faeldon, Sir, palagay natin ‘e kailangan ninyong tutukan si section chief alyas Dracula.
Panahon na para bunutin ang pangil n’yan, Sir!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
