Mayor Antonio Halili ng Tanauan, Batangas na-tokhang ng PNP

Sumikat si Tanauan Mayor Antonio Halili dahil sa kanyang “walk of shame.”

Ito ‘yung kampanya na lahat ng nahuhuling nagdodroga, nagtutulak, nagnanakaw at gumagawa ng iba pang krimen ay ipinaparada sa mga pangunahing kalye at plaza.

Karamihan nga sa mga na-walk of shame ay ‘yung mga sangkot sa droga.

Kaya naman nagulat tayo, kung bakit mismong si Mayor Halili ang na-Tokhang.

Ang paliwanag ni Yorme, mukhang tinatrabaho siya ng sindikato.

E PNP ang nag-Tokhang kay Mayor Halili, ibig sabihin ba niyan na sangkot sa sindikato ang PNP na nag-Tokhang sa kanya?!

Isang magaling na intelligence work ang kailangang mag-validate nito kay PNP chief, DG Ronaldo “Bato” Dela Rosa.

Sana ay mabigyang-linaw ito sa lalong mada-ling panahon at panagutin kung sino ang tunay na sangkot sa ilegal na droga.

Paging SILG Mike Sueno!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

[divider]

BULABUGIN
ni Jerry Yap