Reaction sa amnesty sa political prisoners
MR. YAP, hindi po ba kalabisan naman ang pagpapalaya sa 400 political prisoners na halos lahat ay miyembro ng rebeldeng CPP-NPA-NDF?
Nakalulungkot isipin dahil karamihan sa kanila ay may kasong murder na ang mga biktima ay hindi lang tropa ng gobyerno kundi mga walang kalaban-laban na sibilyan. Ang sabi ng human rights group na Karapatan sa patuloy na pag-usad ng peace talks ay pinapaalalahanan ang gobyerno na sundin ang nakapaloob sa Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law o CARHRIHL na pagpapalaya sa mga political prisoners. Kung nais bigyan ng hustisya ng NPA ang kanilang miyembro na nagkasala sa batas sa pamamagitan ng amnestiya ay tiyak na pagkadesmaya naman at kawalan ng katarungan sa mga naging biktima ng landmine, ambush, pangingikil at pag-recruit at paggamit sa mga kabataan ng NPA bilang human shield na hanggang ngayon ay patuloy pa rin nilang ginagawa sa kabila ng pagkakaroon ng ceasefire sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.
Majority ng mga Pilipino ay pabor sa peace talk, sino nga ba ang aayaw ng mapayapang bansa? Ngunit sana sa pagkakaroon ng KAPAYAPAAN ay magkaroon rin ng hustisya ang nawalan ng karapatang pantao dahil hanggang ngayon ay marami pa rin angΒ nagluluksang pamilya na nawalan ng mahal sa buhay na siyang tunay na naging biktima ng karahasan na dulot ng armadong pakikibaka.
– Sarah M. Naval
Oriental Mindoro
[email protected]
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
