Thursday , June 4 2026

Direk Louie, naniniwalang magkaka-award sina Allen at Ai Ai sa pelikulang Area

NAKAHUNTAHAN namin si Direk Louie Ignacio recently ‘tapos ng premiere night ng pelikulang Siphayo sa Megamall. Inusisa agad namin ang award-winning direktor sa reaksiyon niya sa panalo bilang Special Jury Prize ng pelikulang Area ng BG Productions sa 12th Eurasia International Filmfest sa Kazakhstan?

“Isang prestihiyosong International film festival ang Eurasia, mahirap makapasok ang pelikula rito. Piling-pili at 13 lang ang kailangang pumasok sa main competition at five major awards lang ang ibinibigay sa awards night kaya parang nasa freezer ang pakiramdam namin noong award’s night,” panimula niya.

Dagdag pa ni Direk Louie, “Biruin mo five awards lang tapos 2nd to the last ang Jury Prize at may pagkahahabang explanation in Russian language about the film na mananalo. Tapos tinawag ng Jury ang Area directed by Luisito Lagdameo Ignacio at habang binabasa yung citation ay hawak ko yung rosary ko, tapos ayun na at nagsusumigaw na ang buong Team Area. Si Ai Ai napaiyak, sobra!

“Three directors and films pa lang ang nakakapasok sa main completion, namely: Brillante Mendoza, Solito and Ignacio para sa mga pelikulang Tirador, Busong and Area.”

Dito’y sinabi rin niya na malaki ang tsansa ng mga bida sa Area na sina Allen Dizon at Ai Ai delas Alas na manalo ng acting awards sa ibang filmfest para sa pelikulang ito. “Malaki ang chance nina Ai Ai and Allen, even yung supporting casts ko na sina Sue Prado, Sarah Pagcaliwagan, Tabs Sumulong, Irene Cervantes and Sancho Delas Alas. Madami pang festival ang pupuntahan nito and sobra pasasalamat ko sa BG Films big Boss na si Ms. Baby Go kasi ang tapang niyang mag-produce ng ganitong klaseng pelikula, pati na kay Dennis Evangelita.

“Salamat din kina Romy Lindain and Ferdinand Lapuz at sa aking magaling na writer Robby Tantingco at napakagaling na DOPO Rain Yamson! Congrats sa aking buong team! Mabuhay ang Pelikulang Pilipino. Mapapanood ang AREA sa Octover 22 bilang closing film ng QCinema.”

Maituturing na isa si Direk Louie sa mga most awarded indie direktor natin ngayon dahil mula nang sumabak sa indie films, lahat ng pelikulang ginawa niya ay nanalo ng awards. Bukod sa Area, ang mga pelikulang ginawa ni Direk Louie na nanalo ng awards ay ang Asintado, Child Haus, at Laut. Ang huling dalawa ay kapwa mula rin sa movie company ng businesswoman na si Ms. Baby Go. Kaya isa ako sa nag-aabang sa susunod na pelikulang gagawin ni Direk Louie!

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …