Sophia Atayde, grateful sa PMPC sa nomination sa Star Awards for TV
LABIS ang kasiyahan ni Sophia Atayde nang ma-nominate siya sa 30th Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Kasama sina Ayra Mariano (Poor Senorita, GMA 7) Dawn Chang (MMK – Kuweba, ABS-CBN 2) Kira Balinger (The Story Of Us, ABS-CBN 2) Miho Nashida (Itโs Showtime, ABS-CBN 2) Yaki Saito (Parang Normal Activity, TV 5) Ylona Garcia (On The Wings Of Love, ABS-CBN 2) Ysabel Ortega (Born For You, ABS-CBN 2), nominado ang aktres para sa kategoryang Best New Female TV Personality.
Ito ay para sa Maalaala Mo Kaya para sa episode na Puno Ng Mangga. Sa naturang episode, gumanap si Sophia rito bilang si Fe, ang babaeng minahal at pinag-agawan ng magkapatid na sina Samson at Jeremiah played by Matt Evans at Joseph Marco.
Ano ang reaksiyon mo sa balitang ito?
โNakakataba po ng puso na ma-nominate sa PMPC Star Awards. Nakakakilig kasi even just the nomination is such an honor already. To be recognized for something I worked hard on is a very nice feeling.
โSuper nagpapasalamat din po ako sa PMPC sa pagpansin at nominate,โ saad ng magandang anak ni Ms. Sylvia Sanchez.
Ipinahayag din ni Sophia na hindi niya inaasahan na darating sa kanya ang mga tulad nitong opportunities.
โHindi po. Pinangarap ko po, pero hindi ko po inasahan. Nag-eenjoy lang po talaga ako sa ginagawa ko.โ
Nagulat ka ba sa nomination mong ito? โOpo! Hindi ko po talaga alam.โ
Ano ang reaction ng mommy mo sa nomination mo? Pati ng dad mo, ni Arjo at ngย kapatid mo?
Sagot ng aktes, โHindi ko pa po alam reaction ni Daddy pero si Mommy and si Arjo po, proud and happy. Sabi pa nga po nila na okay na sa kanila na hindi sila manalo basta po ako manalo. Haha. Napaka-supportive.โ
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio
