Sunday , April 28 2024

Sylvia, isisingit ang paggawa ng indie para sa Cinemalaya

 

NAKATUTUWANG mag-asaran ang mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde sa Facebook dahil wala silang keber kung may ibang nakababasa.

Nagsimula ang asaran ng mag-ina sa isinulat naming tanggap na ni Sylvia na mas magaling umarte sa kanya ang anak na si Arjo.

Narito ang takbo ng usapan ng dalawa.

Arjo, ”naks naman!”

Ibyang, ”Pasalamat ka sa tiyan ko ikaw nggaling!!

Arjo, ”ayoko Ikaw magpasalamat AKO ‘yung LuMABAS HAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA

Ibyang, ”pwes, lahat ng tf (talent fee) mo na nasa akin, akin na lahat ‘yon, bayad mo sa akin ‘yon sa pagdala ko sa ‘yo ng 9 mos. Ang hirap mo kayang dalhin, ang takaw mo!

Arjo, ”Yung totoo AKO (matakaw) or Ikaw?

Ibyang, ”pwes! Di na ako mag-grocery! Magutom ka!!”

Arjo, ”ha ha ha ha ha ha ha.”

Ibyang, ”Tawa pa more!! Totoo yan!! Kala mo ha!!

Sakto habang binabasa namin ang kulitan ng mag-ina ay tumawag si Ibyang at tinanong kung napapanood namin ang The Greatest Love kasi nagsisimula na raw ang Alzheimer’s niya at sinabi naming hindi dahil oras ng deadline kapag umeere na.

Habang nagkukuwento ang aktres tungkol sa programa niya ay binanggit naming binabasa namin ang kulitan nilang mag-ina.

“Ganoon kasi kami talaga mag bully-han ni Arjo, ‘pag kulitan, walang nanay at anak, pero alam naman nila kung hanggang saan sila. ‘Pag naiba na ang tono ko, tahimik na siya o silang lahat,” katwiran ni Ibyang.

At dahil na-pack up ang taping ng TGL ay nagkaroon ng oras gawin ni Ibyang ang pagbabayad niya ng bills, pumunta ng grocery, at meeting para naman sa ibang karaketan niya.

“Heto nga, uunahin kong mag-grocery at wala ng pagkain sa bahay,” saad niya.

Sabi namin sa aktres na, ‘kala ko ba hindi ka na mago-grocery at hahayaan mong magutom si Arjo.’

“Oo nga, sira ulo ‘yun (Arjo), alam naman niyang hindi ko kayang gawin ‘yun maski na galit na ako sa kanila, ako kasi lahat ang personal na gumagawa ng errands ko para monitored ko.

“Kaya kapag may bakanteng araw, ginagawa ko lahat kasi kapag may trabaho, walang oras talaga,” esplika ni Ibyang.

Tinanong namin kung kailan uli gagawa ng pelikula si Sylvia dahil 2014 pa ‘yung huling ginawa niyang The Trial.

“Hindi pa kaya ng schedule ko ngayon. Pero may offer na indie movie, babasahin ko pa ang script. Pang ‘Cinemalaya (2017)’ daw,” kuwento ng aktres.

Dagdag pa, ”alam mo naman di ba, matagal ko ng gustong gumawa ng indie film para maiba naman, ‘yung kakaibang istorya, eh, may mga nag-offer dati, kaso hindi tugma sa schedules.”

Binanggit namin na maliit lang ang bayad sa indie film at baka mag-abono pa siya dahil kilala namin ang aktres na kapag nasa set ay parang buong S & R o Landers ang laman ng van niya.

“Ha, ha, ha sira ulo ka Bonoan. Hindi problema sa akin ang talent fee basta gusto ko ang project, alam mo ‘yan!” katwiran sa amin.

At kung magugustuhan daw ni Ibyang ang script ay magsisimula kaagad sila ng Nobyembre, isisingit sa schedule niya ng The Greatest Love.

Hindi rin binanggit sa amin kung sino ang direktor, secret daw.

Wow, si Ibyang mag-i-indie film na, ”tagal ko na kayang gustong gumawa, hindi lang natutuloy, four indie films na ang tinanggihan ko dahil hindi kaya ng schedule, actually sikat nga ‘yung mga direktor na natanggihan ko, at saka mga co-star ko. Sayang nga hindi talaga kinaya,” kuwento ng aktres.

Ito raw ‘yung panahon ng Be Careful With My Heart na araw-araw ang tapings nila noon.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *