Saturday , July 27 2024

Ms. World Philippines, tinipid ang production

TINANONG namin si Direk Louie Ignacio kung siya ba ang director ng Ms. World Philippines noong Linggo, hindi pala. Kagagaling lang niya sa 12th Eurasia International Film Festival sa Almaty, Kazakhstan na tumanggap ng special jury ang pelikula niyang Area.

Nagulat din si Direk sa mga text na natanggap niya habang ipinalalabas ang Ms. World dahil may nagtatanong kung anong nangyari sa kanya? Hahaha.

Halatang low budget ang production value, halatang tinipid, hindi na-control ang crowd at may taong dumaraan habang pinanonood sa TV. Camera angling ang problema. Hindi rin kagalingan ang mga performer bukod kay Mark Bautista. Mga nameless din ang nag-opening sa pageant maliban kay Kim Molina na nakilala namin sa pelikulang Camp Sawi.

Kilala kasi si Direk Louie na direktor ng mga nakaraang Ms. World pero ngayong taong ito ay hindi siya ang humawak. Para kasing iniraos lang ang presentation ng Ms. World Phils ngayong taon.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *