Monday , May 6 2024

Jomari Angeles, tatapatan ang paghuhubad ni Baron

PARA kay Jomari Angeles na gumaganap na kapatid ni Jericho Rosales sa seryeng Magpahanggang Ngayon bilang si King ay aminadong nakilala siya sa indie movie na Ma’Rosa dahil sumama siyang rumampa sa nakaraang 69th Cannes Film Festival na ginanap sa France noong Mayo 2016 na nanalo ring best actress si Jaclyn Jose.

Bukod sa Ma’ Rosa, nakagawa na rin si Jomari ng indie films na Kabisera (2013), Kid Kulafu (2015), at Depraved (2016) na hindi naman siya gaanong nakilala.

Inamin ni Jomari na gumastos siya ng P100,000 para makasama sa Cannes Film Festival, “siyempre, Cannes po ‘yun, once in a lifetime experience po, kaya maski po sariling gastos, hiniling ko po ‘yun sa magulang ko,” masayang sabi ng bagitong aktor.

Hininging graduation gift daw ito ni Jomari sa magulang at pinagbigyan naman siya.

Paano ‘yan Jomari, sasama ka rin ba ulit sa grupo ng Ma’Rosa kapag dumalo sila sa Oscar’s Awards o 89th Academy Awards na gaganapin sa Dolby Theater, Hollywood, Los Angeles, USA sa darating na Pebrero 26, 2017?

Sabi kaagad ng binata, “depende po sa schedule kasi po ngayon may trabaho po ako (MHW), bahala na po.”

Sobrang nagpapasalamat si Jomari sa pagkakasama niya sa seryeng Magpahanggang Wakas dahil idolo at pangarap niyang makatrabaho si Echo.

Ayon kay Jomari, idolo rin niya at gustong makatrabaho, “sina Coco po (sana), John Lloyd (Cruz), Sid Lucero, si JM (de Guzman) po, at Joel Torre rin.”

Napanood daw niya ang pelikulang Jay ni Coco na may frontal nudity si Baron Geisler.

Hirit namin kung kayang gawin ni Jomari ang frontal nudity, “kaya ko po ‘yun (natawa), kakayanin ko po ‘yun. Depende rin po sa proyekto po.

Daring lovescene kay Allan Paule

“Sayang, hindi po ninyo napanood ang ‘Ma’Rosa’, medyo daring po ako roon, may love scene po kami ni kuya Allan Paule.”

Ganoon, may love scene sila ni Allan Paule? Uminom ba muna sila ng alak para lumakas ang loob nila?

“Hindi po, normal po kami ni kuya Allan, noong una po, naiilang ako noong first take kasi siyempre, lalaki.

“Pero noong second take po, inisip ko na kailangang matapos na ito, let it go. Wala po kaming suot, ako po, walang plaster (private part), si kuya Allan po, nag-plaster po siya. May tiwala naman po kasi ako kay direk Brillante na hindi kukunan ‘yung private part po,”kuwento ni Jomari.

Idol si Echo

Bukod sa Jay ni Coco ay napanood din niya ang lahat ng pelikula ni John Lloyd at kaya niya nagustuhan din ang aktor ay “kasi flexible siya, lalo na sa ‘Honor Thy Father’, ang galing po talaga niya. Puwede rin siya sa rom-com.”

“Si Echo po, gusto ko ‘yung ‘Alagwa’ (2013), gustong-gusto ko po ‘yung ‘Red’ (2014), magaling po siya roon, pati po ‘yung soap (drama) na ‘Pangako Sa ‘Yo’, sobrang galing niya roon kaya idol ko po siya.”

At sa artistang babae naman ay gustong makatrabaho ni Jomari, “sa babae po, nagagalingan po ako kay Maja Salvador, Julia Montes din po, magaling, si Yassi Pressman po, nagagandahan ako napapanood ko sa ‘(FPJ’s) Ang Probinsyano’ at ‘Camp Sawi’, magaling at nagagandahan po ako, Jasmine Curtis-Smith at Barbie Forteza po, ‘yung kasama po ni Ms Nora Aunor sa ‘Tuos’, sa ‘Cinemalaya 2016’ at siyempre Judy Ann (Santos-Agoncillo) po.”

Pinaghahandaan ang pagbili ng kotse

Hindi naman itinanggi ng bagitong aktor na sa teleseryeng Magpahanggang Wakas ay medyo malaki ang talent fee niya kompara sa indie movies kaya naman sobrang saya niya.

“Sa indie film naman po kasi mababa lang, dito sa serye namin, medyo malaki na po kompara sa rati.

“First kinita ko po sa indie, (Kid Kulafu) parang ‘yung half po, inilibre ko po mom ko. Gusto ko lang po ma-experience na ako naman ang magbabayad ng dinner namin.

“Tapos bumili ako ng cellphone po, kasi ‘yung dati ko, ‘yung lulumain (walang camera). Kaya bumili po ako ng smart phone (may camera) kasi matagal ko na pong gustong magkaroon ng smart phone.

“Ngayon po ‘yung kita ko sa ‘Magpahanggang Wakas’, naka-save po, wala pa po akong pinagkagastusan.

“Nag-iipon po ako para sa sasakyan, ‘yun po ang unang plano kong bilhin para may magamit po ako, ayoko pong manghingi, actually hindi rin naman ako mahinging tao. Parang nasanay ako na kung anong mayroon ako, kuntento na ako,” masayang kuwento ni Jomari.

Sure na walang sex video

Inalam din namin kung may anak o sex video si Jomari dahil baka ‘pag sumikat na siya ay biglang may maglitawan. Kaya habang maaga pa ay aminin na niya, sabi namin.

Tumawa ang bagitong aktor, “ay wala po, wala po. Hindi ko po alam kung bakit ko naman gagawin ang sex video. Hindi ko po naisip ‘yun.”

Ano sa tingin ni Jomari bakit kailangang i-video ang pakikipag-sex?

“Siguro po, nadadala sila ng kanilang mga damdamin, nadadala sa moment,” tumawang sabi sa amin.

Paano ba makipag ‘date’ si Jomari.

“Dating po ba? Kung ano ang ginagawa ko. Para sa akin po ang definition ko ng date kapag pinagplanuhan ng lalaki, parang ikaw ang nag-isip ng araw na ‘yun. Nagba-vary naman din po, puwedeng manood ng sine or movie date.

“Pero para sa akin po, ang importante ay ‘yung pinag-planuhan ng lalaki o pinag-isipan,” paliwanag ng aktor.

At movie date lang daw ang ginagawa nina Jomari at girlfriend niya dahil, “ay hindi po ako after sa ganoon (natawa), seryoso po ako, hindi po ako ganoon.”

Nakaka-tatlong girlfriend pa lang ang baguhang aktor, “seryoso po kasi ako. Kasi nakita ko po sa mom ko na noong niloko siya ng boyfriend niya, kaya ayoko ko pong mangyari sa akin ‘yun, pananaw ko po sa buhay.

“Gusto ko po, buo ‘pag magkaroon ako ng pamilya, ayoko ko po ng may iba, tulad ng nangyari sa mom ko at stepdad ko,” say ni Jomari.

At nakyutan kami kay Jomari Ateng Maricris dahil may dala siyang payong na de tiklop bagay na bihirang makita sa mga tunay na lalaking kagaya niya.

Kadalasan kasi ang mga lalaki ay jacket o hoodie ang dala o kaya payong na mahaba kapag umuulan.

Ang katwiran sa amin kaya madalas daw siyang may bitbit na payong na de tiklop, “mahirap po kasing magkasakit, mahal magpa-ospital.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Sunshine Cruz Bench Body

Sunshine ayaw pag-usapan ang lovelife—I’d rather keep it private

MA at PAni Rommel Placente AS much as possible, ayaw na ni Sunshine Cruz na …

Angeli Khang Bea Alonzo Dominic Roque

Angeli natakot lumabas nang isangkot sa hiwalayang Dominic-Bea

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA na ang sexy star na si Angeli Khang na isinasangkot sa hiwalayan nina Bea …

Rabiya Mateo Faith Da Silva

Faith Da Silva itinuturong dahilan ‘di pagka-renew contract sa GMA

I-FLEXni Jun Nardo ENDO o end of contract ang dahilan ng beauty queen na si Rabiya …

Blind Item, Gay For Pay Money

Pagbibigay ng awards sa entertainment easy money

HATAWANni Ed de Leon SA dami ng nagbibigay ng entertainment awards ngayon na hindi mo …

Dingdong Dantes Marian Rivera Alden Richards Kathryn Bernardo

Phenomenal Box Office at Box Office King and Queen may pagkakaiba ba?

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin maintindihan kung ano ang kaibahan niyong Phenomenal Box office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *