Thursday , December 8 2022

Laarni Enriquez, nais kunin ang kustodiya ni Ellie

SA ngalan ni Cristy Fermin, we want to take credit para sa naisiwalat nang katotohanan as to who’s the real father ng anak ni Andi Eigenmann: si Jake Ejercito at hindi si Albie Casino na una ring pinagdudahan.

Galing ang rebelasyon mula mismo kay Max, kapatid ni Andi, sa programa ni Mo Twister.

Much earlier ay inilabas namin bilang blind item dito sa Hataw ang tungkol sa isang malaking showbiz story na napipintong sumabog anytime.

Para pangalagaan na rin ang karapatan at kapakanan ng walang kamuwang-muwang na bata, editorial prudence ang nagdikta sa amin na huwag pangalanan ang mga taong sangkot sa kuwento. Sa wakas kasi, ang resulta ng DNA test points to Jake as the child’s biological father.

Hindi roon nagtapos ang scoop na ipinarating sa kaalaman namin ni Tita Cristy ng isang kaanak ni Jake. Nais kasi ng kampo nito, most especially his mother Laarni Enriquez, na kunin ang kustodiya ng bata.

Pero pinalagan daw ito ni Andi. Kung kami ang dalawang panig, ang pangunahin naming isasaalang-alang ay ang bata, si Ellie. Mapag-uusapan naman ng mahinahon ang karapatan ng mga magulang nito because at the end of day, kapwa hangad nina Jake at Andi ang bigyan ng magandang kinabukasan si Eli.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply