This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
Sa prinsipyong mayroon pang pag-asa at maaari pang makabawi ang isang drug user o nalulong sa masamang bisyo ng ilegal na droga, isang aktibidad ang ilulunsad para sa mga biker ng Seagulls Flight Foundation Inc., bukas, araw ng Biyernes, Setyembre 30, 2016 7.30AM sa Nuvali bike trail.
Inaasahan ang mga recovering drug dependent na bikers na sumama sa aktibidad na ito para maipakita na ang isang dating nagumon sa ipinagbabawal na droga noon ay maaaring makabalik sa mainstream society at maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan ng lipunan.
‘Yan ay bahagi ng National Recovery Month 2016.
Sa mga nais lumahok maaaring makipag-ugnayan kay Mark sa cellphone number 0932.849.5712.