Monday , May 6 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ang ‘sex video’ ni Madame Leila, masyadong ‘misteryosa’

KAPIPILIT ng isang kaibigan, napilitan tayong silipin ang isang sex video na sinasabing sangkot ang isang dating mataas na opisyal ng PNoy administration… walang iba kundi ang laging ‘talk of the town’ na si Madame Senator Leila De Lima.

Yes, tama po kayo, ‘yung napapabalitang ‘sex video.’ Ang sabi, not only one, but three sex videos and not with the same man?!

Hot momma, oragon talaga!

Hindi lang natin alam kung ito ‘yung tinutukoy ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na nang mapanood daw niya ay nawalan siya ng gana, sabay pwe!

‘Yun nga, nasilip natin, ang isa sa tatlong video.

Pero masyadong madilim at masyadong mataba ‘yung bebot…

Si Madam Leila kaya talaga ‘yun?

O baka naman na-wow mali tayo?!

Inaprubahan na rin ni House Speaker Bebot Alvarez na ipalabas ang naunang sex tape umano ni De Lima sa susunod na hearing ng kamara.

Maging blockbuster kaya ‘yan?

Anyway, sana ay mabistahan pa natin ‘yung dalawang video para may comparison tayo kung si Madam ba talaga ‘yung matabang bebot na sabi ni presidente Digong ay nag-helicopter pa gyud!

Ay sus ginooo!

Sa isang banda, ano naman ang paki nga ng sambayanan kung totoong may sex video si Madam?!

‘E “single & ready to mingle” naman siya ‘di ba!?

Isa pa, ‘yan naman ang uso ngayon sa mga mag-jowa kunan ng video ang kanilang private moments kaya siguro nakikiuso si Madam at ang kanyang lover that time.

081916 de lima driver bodyguard

Gusto nilang maging ‘lasting memory’ ang kanilang ‘intimate session’ sa pamamagitan ng sex video.

At kung mayroon pa rin na sex video 2 and sex video 3, baka ganoon rin ang type ng iba pang men or lover sa buhay ni Madam.

Type na type siguro nilang makita ang isang naghe-‘helicopter’ na elepante ‘ehek’ chubby girl!

Tama ang sabi ni Pangulong Digong… mawawalan talaga kayo ng  gana!

Hakhakhakhak!

DATING CHIFFON CAKE 6 CUPCAKES NA LANG
PARA SA SENIOR CITIZENS SA MAKATI CITY

Isang senior citizen ang nakatanggap ng cake para sa kanyang birthday mula sa tanggapan ni Makati city Mayor Abby Binay.

Pero nagulat siya dahil imbes chiffon cake ‘e anim na malilit na cupcakes ang tinanggap niya bilang birthday present.

May explanation naman daw kung bakit 6 cupcakes lang. May kasama raw kasing liham mula kay Mayora Abby.

At ang sinasabi sa liham, dahil umano sa kapabayaan ng dating administrasyon, nabalam daw ang pagpoproseso ng mga papeles para sa birthday cakes ng senior citizens.

Nagtataka naman tayo kung bakit ipinipilit pa ‘yang cakes na ‘yan, chiffon man o cupcakes, kung nagkaroon na nga ng kontrobersiya?

Kung halagang P200 plus o P300 plus man ‘yan sa kung sinong nanalong bidder, ang pinag-uusapan rito mayroon na ngang kumita at nabahiran na ang pagreregalo ng cakes.

‘E bakit pa itutuloy ang proyektong ‘yan?!

Mas mainam at mas makatutulong pa kung ang ireregalo ninyo sa mga senior citizen ‘e annual physical and medical check-up lalo na sa mga senior citizen na limitado ang kakayahang makapag-annual physical and medical check-up.

‘Yang cake ano ba ‘yan?!

‘E bawal nga ‘yan sa mga senior citizen na hindi puwedeng tumaas ang blood sugar, ‘di ba?

Mantakin ninyo, milyon-milyon pala ang ginagastos diyan, e bakit hindi pa ilaan ‘yang milyon-milyon na ‘yan sa kalusugan ng senior citizens?

O kaya perahin o groceries na lang kaysa cake di ba?!

Ano sa palagay ninyo, Madam Mayor Abby Binay?!

Hope springs eternal…
BIKE RALLY TO RECOVERY
NG SEAGULL’S FLIGHT
FOUNDATION SA NUVALI

092916-seagulls-bike

Sa prinsipyong mayroon pang pag-asa at maaari pang makabawi ang isang drug user o nalulong sa masamang bisyo ng ilegal na droga, isang aktibidad ang ilulunsad para sa mga biker ng Seagulls Flight Foundation Inc., bukas, araw ng Biyernes, Setyembre 30, 2016 7.30AM sa Nuvali bike trail.

Inaasahan ang mga recovering drug dependent na bikers na sumama sa aktibidad na ito para maipakita na ang isang dating nagumon sa ipinagbabawal na droga noon ay maaaring makabalik sa mainstream society at maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan ng lipunan.

‘Yan ay bahagi ng National Recovery Month 2016.

Sa mga nais lumahok maaaring makipag-ugnayan kay Mark sa cellphone number 0932.849.5712.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Umarangkada na
Mga kandidato para sa 2025 local & national elections maagang sinimulan pang-uuto sa publiko

YANIGni Bong Ramos BAGAMA’T isang taon pa ang nakatakdang local & national elections, maagang sinimulan …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang paliit nang paliit na mundo ni Quiboloy

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ko alam kung alin-alin sa mga nagiging desisyon …

Dragon Lady Amor Virata

COS, JO employees hinimok ni PBBM, dapat kumuha  ng Civil Service exams

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAPAKAGANDA ng sinabi ni PBBM na huwag manatiling contractual …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *