Thursday , December 8 2022

Dating chiffon cake 6 cupcakes na lang para sa senior citizens sa Makati City

Isang senior citizen ang nakatanggap ng cake para sa kanyang birthday mula sa tanggapan ni Makati city Mayor Abby Binay.

Pero nagulat siya dahil imbes chiffon cake ‘e anim na malilit na cupcakes ang tinanggap niya bilang birthday present.

May explanation naman daw kung bakit 6 cupcakes lang. May kasama raw kasing liham mula kay Mayora Abby.

At ang sinasabi sa liham, dahil umano sa kapabayaan ng dating administrasyon, nabalam daw ang pagpoproseso ng mga papeles para sa birthday cakes ng senior citizens.

Nagtataka naman tayo kung bakit ipinipilit pa ‘yang cakes na ‘yan, chiffon man o cupcakes, kung nagkaroon na nga ng kontrobersiya?

Kung halagang P200 plus o P300 plus man ‘yan sa kung sinong nanalong bidder, ang pinag-uusapan rito mayroon na ngang kumita at nabahiran na ang pagreregalo ng cakes.

‘E bakit pa itutuloy ang proyektong ‘yan?!

Mas mainam at mas makatutulong pa kung ang ireregalo ninyo sa mga senior citizen ‘e annual physical and medical check-up lalo na sa mga senior citizen na limitado ang kakayahang makapag-annual physical and medical check-up.

‘Yang cake ano ba ‘yan?!

‘E bawal nga ‘yan sa mga senior citizen na hindi puwedeng tumaas ang blood sugar, ‘di ba?

Mantakin ninyo, milyon-milyon pala ang ginagastos diyan, e bakit hindi pa ilaan ‘yang milyon-milyon na ‘yan sa kalusugan ng senior citizens?

O kaya perahin o groceries na lang kaysa cake di ba?!

Ano sa palagay ninyo, Madam Mayor Abby Binay?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply