Monday , December 5 2022

5 Pinoy movie, pasok sa 29th Tokyo Int’l. Filmfest

ANG galing talaga ng Pinoy dahil limang pelikulang Filipino na naman ang kalahok sa gaganaping 29th Tokyo International Film Festival competition.

Hindi pa man ipinalalabas ay nakasama na kaagad ang Die Beautiful nina Paolo Ballesteros at Gladys Reyes mula sa direksiyon ni Jun Lana for Asian Future Film.

Kabilang din ang I America ni Bela Padilla na first time lumahok sa Cinemalaya Festival nitong Agosto at dahil sa ganda ng reviews ay kasalukuyang ipinalalabas ito ngayon sa ilang sinehan sa Metro Manila na idinirehe ni Ivan Andrew Payawalproduced ng Idea First, Eight Films at distributed ng Viva Films.

Ang Birdshot na pagbibidahan nina John Arcilla at Arnold Reyes na idinirehr niMikhail Red mula sa World Focus.

Ikaapat ang A Lullaby to the Sorrowful Mystery o Hele sa Hiwagang Hapis nina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual na idinirehe naman ni Lav Diaz mula sa Asian Omnibus Film.

At ang ikalima ay ang Shiniuma -Dead Horse ni Lou Veloso mula sa direksiyon ni Brillante Ma. Mendoza.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Maine Mendoza Arjo Atayde Lola Rose

Maine ipinakilala na ni Arjo kay Lola Rose

MA at PAni Rommel Placente LABIS ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na …

Alice Dixson

Alice na-bash nang kinulayan ng honey blonde ang buhok  

MA at PAni Rommel Placente DAHIL sa pagpapakulay ni Alice Dixson ng honey blonde hair, bina-bash siya. …

Paolo Contis Yen Santos

Paolo happy at contented sa piling ni Yen

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit  Solis ang larawan nila ng kanyang …

Jessy Mendiola

Jessy nalulungkot ‘pag nakikitang lumalaki ang katawan

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni Jessy Mendiola na noong mga unang buwan ng kanyang pagdadalang-tao …

Blind Item, Male Celebrity

Male personality iwas sa cellphone, feeling pinagkakakitaan

I-FLEXni Jun Nardo TODO-IWAS ang isang kilalang male personality kapag nakatutok sa kanya ang phone na may …

Leave a Reply