Thursday , December 8 2022

Mag-inang Mystica at Stanley parehong may malalang sakit (Patuloy ang panawagan at paghingi ng tulong)

 

BINABATIKOS si Mystica, ng netizens dahil sa paghingi ng halagang P3,500 sa kanyang Facebook account para sa mga gustong mag-artista at mapasama sa kanyang docu-movie na “The Truth.”

Tinawag pang ‘scamera’ ang singer na tinaguriang “Split Queen.”

Ngayon ay matindi ang kinahaharap na pagsubok ni Mystica at nananawagan ng tulong sa lahat dahil wala na siyang bahay at kailangan niya ng pang-down or else baka sa lansangan na raw siya pulutin.

Isang Good Samaritan sa katauhan ng character actress na si Dovie San Andres na naka-base ngayon sa bansang Australia ang tumulong kay Mystica para makalipat. Pinadalhan siya ng P45K.

Ang anak naman na si Stanley, na ilang panahon nang hindi nakikita ni Mystica, ay matagal nang naka-confine sa Quezon City General Hospital. Hindi sila nagkikita ni Mystica mula nang mai-confine sa naturang ospital dahil sa malalang kondisyon. May sakit siyang dilated cardiomyophaty o sakit sa puso at mayroon din chronic hepatitis B infection na kapag hindi naagapan ay maaari niyang ikamatay at sa katunayan ay lumobo na ang tiyan.

Tulad ni Stanley, nagdurusa rin ngayon si Mystica dahil sa kanyang karamdaman na Sepsis o Septicemia na may kinalaman sa blood infection kaya nagsusumamo ang singer na nagpasikat ng awiting “Simpleng Babae,” sa lahat na tulungan silang mag-ina sa kanilang medication.

Sana sa mga kasamahan sa industriya at mga politikong natulungan ni Mystica sa kampanya na may mabubuting kalooban, sana’y bigyang pansin ninyo ang pagmamakaawa ni Ruby o Mystica.

Sa anomang unos na dumating sa buhay ay matindi pa rin ang kapit sa ating Panginoon. Sa mga nais tumulong ay puwede niyong kontakin si Mystica sa kanyang cellphone nos…0926-7397506.

Please share your blessings gyud!
ANDI EIGENMANN SINUSUBOK NG TADHANA SA “THE GREATEST LOVE”

Pagkatapos hanapin ang kanyang tunay na ama na si Pedro Alcantara (Noni Buencamino), sinusubok naman ng tadhana si Lizelle sa kanyang buhay pag-ibig sa boyfriend na si Gerald (Guji Lorenzana).

Hindi kasi gusto ng mother ni Gerald na si Maila Gumila ang dalaga na isang matapobre sa “The Greatest Love.”

Kaya naman si Lizelle ay nagiging palaban na nang magkaroon sila ng komprontasyon ng ina ng nobyo at hindi niya naiwasang sagutin. Samantala labis ang ikinalulungkot ngayon ni Gloria (Sylvia Sanchez) ang pinagdaraanan ni Lizelle hangga’t maari ay ayaw niyang masaktan ang isa man sa kanyang mga anak.

Isang ulirang ina si Gloria na gagawin ang lahat at isasakripisyo ang sarili alang-alang sa kanyang mga anak at apong si Zosimo (Joshua Garcia) na solong anak ni Amanda (Dimples Romana) na tunay na nagmamahal sa kanya.

Araw-araw ay paganda nang paganda ang bawat episode na inyong mapapanood sa The Greatest Love, pagkatapos ng Doble Kara sa Kapamilya Gold.

Tatlong mahuhusay na house directors ng ABS-CBN na sina Jeffrey Jeturian, Mervyn Brondial at Dado Lumibao ang director ng top-rating drama serye.
ANICA AT HANNAH SABAY NA HAHARAPIN ANG GRAND WINNER NG LOLA’S PLAYLIST NA SI FRANCIS AGLABTIN

Tulad ng kauna-unahang Grand winner ng “Lola’s Playlist’ na si Francis Aglabtin ay pawang mahuhusay rin ang contenders sa Lola’s Playlist: Beat The Champion na sina Anica Kim Gepanayao at Hannah Esguerra na nag-tie na winner at makababangga ni Francis ngayong Lunes sa pagalingan ng kantahan ng oldies hit songs.

At marami ang napapahanga sa nasabing mga bata na carry kumanta ng mga hit noong 50s hanggang 70s’ na kung tutuusin ay mga lolo at lola na nila ang kumanta.

Well may mga young one lalo na sa mga Amateur Singing Contest ang noon ay ganitong klase na ng kanta ang singing piece pero mas magagaling sa kanila ang mga contestant sa Lola’s Playlist ng Eat Bulaga!
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Paolo Contis Yen Santos Lolit Solis

Relasyon nina Paolo at Yen ibinuking ni Lolit 

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang ibinisto ni Manay Lolit Solis na ang aktres na si Yen Santos ang lucky …

Blind Item, Mystery Man, male star

Designer nagbabala baho ni male starlet ibubunyag

ni Ed de Leon MATAPOS na mapadalhan  ng “supposed to be pamasahe” niya papunta sa …

Vhong Navarro Arrest NBI

P1-M piyansa pinayagan
VHONG PANSAMANTALANG MAKALALAYA

HATAWANni Ed de Leon MABILIS na kumilos ang legal team ni Vhong Navarro para maihanda ang itinakdang …

Matet de Leon

Matet tinapos relasyon sa ina at pamilya

HATAWANni Ed de Leon NAUUNAWAAN namin at alam naming masamang-masama ang loob ni Matet sa kanyang sinasabing …

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Leave a Reply