Tuesday , April 16 2024

P3-M shabu mula sa Munti nasabat sa Silay City

BACOLOD CITY – Tinatayaang aabot sa P3.3 milyon ang halaga ng 18 pakete ng shabu na nakapaloob sa isang package na ipinadala sa pamamagitan ng courier company na LBC kamakalawa.

Galing sa isang nagngangalang Pocholo Bernabe ng Muntinlupa ang package na ipinadala kay Jimcel Balboa, 27, ng Brgy. Guinhalaran, Silay City, Negros Occidental.

Ngunit iginiit ni Balboa, sa kanya lamang ipinangalan ang package na para sa kababata niyang si Dennis Esmeralda mula sa Muntinlupa at dalawang linggo pa lamang sa Silay.

Si Esmeralda ay sinasabing no. 1 drug personality ng Muntilupa at tumakas doon dahil sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga.

Nang suriin ng pulisya ang package ng mga bote ng shampoo at lotion, natuklasan ang mga pakete ng shabu na may kabuuang bigat na 329 grams.

About hataw tabloid

Check Also

041624 Hataw Frontpage

Sa Batangas
P13.3-B SHABU NASABATDRIVER DI-LISENSIYADO
Promotion iginawad sa hepe ng pulisya

ni RODERICK PALATINO KAMPANTENG ibiniyaheng isang 47-anyos driver ng van kahit walang lisensiya sa pagmamaneho …

Bulacan Police PNP

2 durugista, 6 wanted, swak sa hoyo

Dalawang durugista at anim na wanted na mga kriminal ang sunod-sunod na inaresto ng pulisya …

PRO 4A handa at alerto para sa 2-Day Transport Strike

PRO 4A handa at alerto para sa 2-Day Transport Strike

Camp BGen Vicente P Lim – Nakahanda at asahang mapagbantay ang Police Regional Office CALABARZON, …

Sa 2 buybust operations sa Laguna P.5-M SHABU KOMPISKADO, 4 TULAK ARESTADO

Sa 2 buybust operations sa Laguna  
P.5-M SHABU KOMPISKADO, 4 TULAK ARESTADO

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang apat na drug personalities sa magkahiwalay na anti-illegal …

Philippine Food and Beverage Expo 2024

 ‘Pakinggan si Villar’
ANING MASAGANA LILIKHA NG TRABAHONG MARAMI  

INIHAYAG ni Senate Committee on Agriculture  and Food chairperson Sen. Cynthia A. Villar na mababawasan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *