Sunday , May 19 2024

Hindi ma-take ang hitsura!

MARAMI ang nanghihinayang sa kinahinatnan ng pagkatao ng isang baklita. Hahahahahahahahaha!

Dati talaga, and this was when he was still a macho man, (a macho man daw, o! Hahahahahahahahahaha!) he was admittedly a lot better looking. Marami talaga noon ang nagti-trip sa kanya. Pa’no naman, napakaganda ng kanyang katawan (really veritably macho) at kay ganda ng kanyang mukha.

Ang totoo nga niyan, feel na feel siya ng isang morenong hunk actor at dahil taghirap pa siya noon, umutang talaga sa isang singer/actress (na kanyang kulukadidang that time) ng pasahe papunta sa bansang pinuntahan noon, during that time, ay macho pang aktor kasama ang isang sikat na bagets na aktor.

Honestly, marami talaga ang nagtitrip noon sa aktor dahil umaatikabo naman kasi ang kanyang sex appeal.

To be honest about it, nabulag nga niya ang isang magandang aktres to the point that they even got married.

To the point that they even got married daw, o! Harharharharharharhar!

Anyway, ibang-iba na ang kanyang hitsura sa ngayon. But far from augmenting his remarkably good looks, it has ruined it, giving her the looks of a witch.

The looks of a witch daw, o! Hakhakhakhakhakhakhakhak!

Ewan ba naman kasi kung bakit mas pinili pa niyang maging isinumpang bakla kaysa maging silahis lang.

A few days ago, nag-pictorial talaga siya at marami ang napraning sa kanyang ilusyon.

Mag-pictorial ba naman nang naka-two piece na swimwear, ano ang magiging reaksiyon ng mga tao? Hahahahahahahahahaha!

Hayan kasi at super flat ang kanyang dibdib at inipit talaga niya ang kanyang yagbadoodles to the max. Hahahahahahahaha!

Obvious rin ang kanyang pagkakaedad dahil nga mega diet siya para maging flat ang kanyang tummy at mag-create ng illusion of being a woman.

Dahil din sa pagda-diet, somewhat lined na ang kanyang mukha at parang he has become prematurely old.

Sa totoo, sinayang niya ang ganda niyang lalaki sa pag-iilusyong siya’y isang babae.

‘Yun lang!

LOVE STORY NI DICK ISRAEL TAMPOK SA WAGAS!

Ngayong Sabado (September 10), ang love story ng beteranong aktor na si Dick Israel ang tampok sa Wagas.

Ayon kay Richardo Michaca, o mas kilala bilang si Dick Israel, love at first sight ang naramdaman niya nang makilala niya ang kanyang asawa na si Marilyn nang minsang magpahula ang tita ni Marilyn sa nanay niya.

At dahil mga bata pa sila, nagtanan at nagsama ang dalawa sa Baguio hanggang makabuo sila ng isang pamilya. Pinalad na maging artista sa pelikula si Dick nang matanggap siya sa isang audition at mula noon, naging maganda ang kanyang karera. Naging paborito siyang kontrabida at sidekick ng mga action star.

Dahil sa kinang ng showbiz, napariwara si Dick. Iniwan niya si Marilyn at ang kanilang mga anak. Pero sa kabila n ito, tiniis ni Marilyn ang lahat.

Naging masaklap ang kapalaran para kay Dick. Na-stroke siya at tuloy-tuloy na nanghina at nawalan ng trabaho.

Isang araw, pagbukas ng pintuan ni Marilyn, nakita niyang naroon si Dick, bumabalik sa kanya. Walang pagtatanong, muli niyang tinanggap ang asawa. Puno ng pagpapatawad at pagmamahal, binuksan ni Marilyn ang pintuan at binigyan ng pangalawang pagkakataon si Dick.

Nanatili si Marilyn sa tabi ni Dick. Siya ngayon ang nag-aalaga at sumusuporta sa asawa lalo na ngayong may sakit na at lumalaban sa buhay.

Tunghayan ang wagas na kuwento ng pagpapatawad at walang sinusukat na pagmamahal tampok sina Ina Feleo, Mara Lopez, at Baron Geiser bilang Dick Israel.

Mapapanood ang Wagas tuwing Sabado, 7:00 pm, sa GMA News TV.

GRABE KUNG I-DOWN SI NORA

Honestly, Ferminata loves to hit superstar Nora Aunor in her columns. Imagine, pinalalayas na raw si Ate Guy sa kanyang rented condo for non-payment.

Carry n’yo ‘yun?

And to think that the superstar tried to reach out to her during the time that she was still with TV5 but to no avail.

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbanat niya sa aktres at kung ano-ano ang pantasyang isinusulat.

Nakapandidiri talaga ang pagka-impakta ng lomodic matrona.

Anyway, natawa talaga kami sa isinulat niyang baka sa squatter’s area na raw pulutin si Mama Guy.

Jesus, Maria y Joseph! Grabe talaga ang pantasya ng lomodic writer.

Hindi ba niya alam na may nagbabayad pa rin nang maganda kay Ate Guy?

Tulad na lang sa Hinulid ni Direk Kristian Cordero na sampung araw siyang nag-shoot sa Gainza, Camarines nang dire-diretso. Maayos raw talagang natapos ni Ate Guy ang pelikula nang walang anomang naging problema si Direk Kristian.

Ang very touching pa, inubos raw ni Guy ang more than three hundred thousand sa pagpapasaya sa mga tao.

Considering the fact that she’s being repeatedly written about that she’s supposedly perennially hard-up, Nora Aunor would derive happiness out of sharing her talent fee to the poor and the needy.

Sang-ayon nga kay Direk Kristian Cordero, Nora’s never stingy. Kung meron din lang siyang pera, iaabot at ipamumudmod niya sa mga taong palagay niya’y higit na nangangailangan.

Isa nga palang OFW sa Hinulid si Guy na ang kanyang kaisa-isang anak ay naging biktima ng kahayupan ng mga taong labas.

Hindi niya pinaimbestigahan pa ang kamatayan ng kanyang anak at mag-isa niyang sinarili ang pagluluksa.

Hindi hinayaan ni Direk Kristian na maging maudlin ang mga eksena ni Ate Guy.

As much as possible, kina-cut niya ang eksena the very moment na mangingilid na ang luha sa mga mata ng superstar.

Hindi nag-i-expect ng award si Direk Kristian in this movie. Basta he gave his best and the superstar gave also a moving portrayal.

All throughout the movie nga pala ay Bicol ang dialect na ginamit ni Direk Kristian. Palagay niya’y mas mabuti kong Bikol ang gagamitin nilang medium para ma-feel ng mga tao ang sentiment ng pelikula.

Oo nga naman.

NAPAKABAIT TALAGA NI LIZA

Napakabait talaga ni Liza Soberano.

Nang makiusap sa kanya ang isang fan ni Kathryn Bernardo na ibigay ang kanyang regalo, ibinigay talaga niya at itinuro pa kay Kathryn ang location ng naturang fan. Ini-acknowledge naman daw ni Kathryn ang fan pero dahil masyadong busy kaya hindi na personal na napasalamatan.

Bagama’t nagmamadali na si Enrique Gil, hindi talaga iniwanan ni Liza ang fan hanggang hindi niya nasisigurong okay na ito.

How nice of this girl. Talagang meron siyang heart of gold and she feels for other people.

Imagine, fan lang ‘yun pero hindi niya iniwan hangga’t hindi niya nasisigurong okay na siya.

How utterly humane of his girl. Meron talaga siyang compassionate soul and a heart of gold.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *