Thursday , February 9 2023

Best actress trophy sa Kazakhstan Int’l. Filmfest, maiuwi kaya ni Ai Ai?

MAAARING hindi na bago ang mga madamdaming eksena sa putikan, pero kung si direk Louie Ignacio ang tatanungin ay ito ang aabangan sa kanyang latest movie na Area.

Ang Area ay pinagbibidahan ni Ai Ai de las Alas na gumaganap na isang aging sex worker, na itinuturing niyang dream role.

Ayon kay direk Louie, wala raw kaarte-arte ang Comedy Concert Queen sa eksenang kinailangan niyang sumubsob sa putikan.

And good news, ang Area ay kakatawan sa bansa sa Kazahkstan International Film Festival.

Matatandaan that direk Louie scored victory noong manalong Best Actress si Aiko Melendez sa Manhattan International Film Festival last year para sa pelikula niyang Asintado. Literal ngang naasinta ng mga taong bumubuo ng pelikula ang much-coveted acting award para kay Aiko from the movie na nagtanghal din kay direk Louie bilang Best Director sa Cinemalaya noon ding isang taon.

Following the pattern, asyumera kaya kaming matatawag kung sasabihin naming tiyak na rin ang pagiging Best Actress ni Ai Ai sa festival sa naturang transcontinental country?

By the way, maitanong lang: hindi ba’t ang salitang “area” ay kadalasang ginagamit sa mga gay bar na ang mga nagtatanghal na macho dancer ay nanghahalina sa kanilang mga gay at female patrons sa kanilang kinauupuan?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

David Licauco

David Umamin: I Like Cute Girls

RATED Rni Rommel Gonzales SA isang exclusive interview ng GMANetwork.com kamakailan ay inamin ng Maria Clara at Ibarra star …

Carla Abellana

Carla Abellana mga barkada ang kasama sa Valentine’s day

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na magiging malamig ang Valentine’s Day celebration ng primetime actress …

Gina Alajar Nora Aunor

Ate Guy ibinuking minsan silang nagkasamaan ng loob ni direk Gina

MA at PAni Rommel Placente SA storycon ng isang pelikula na magkasama sina Nora Aunor at actress-director Gina …

Jenny Miller Dr Emily Otani

Jenny Miller, sobrang thankful sa kakaibang kabaitan ni Dr. Emily Otani

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SOBRANG saya ni Jenny Miller sa birthday bash niya recently …

Carla Abellana Bea Alonzo

Carla ‘nakorner’ ni Bea, umaming nagsisisi sa pagpapakasal kay Tom

MA at PAni Rommel Placente SUMALANG si Carla Abellana sa lie-detector test challenge para sa vlog ni Bea …

Leave a Reply