Friday , May 24 2024

Worth it ang hirap at puyat dahil ang ganda-ganda ng Barcelona — Kathryn

SA presscon ng latest movie nila ng ka-loveteam na si Daniel Padilla na Barcelona: A Love Story Untold, mula sa Star Cinema at sa direksiyon ni Olivia “Inang” Lamasan, ikinuwento ni Kathryn Bernardo ang hindi niya malilimutang experiences habang ginagawa ang pelikula.

“Kung experiences ‘yung pag-uusapan, parang ang hirap po pumili ng isa, kasi tatlong linggo kaming nag-shoot doon sa Barcelona, everyday ‘yun. Hindi namin siya masasabing naging madali, hindi lahat smooth. Siyempre darating tayo roon na..kasi four hours lang ‘yung sleep, pagod lahat, physically and emotionally. But then, worth it po talaga lahat, kasi ang ganda-ganda niyong lugar and masaya kami kasi naipakita ‘yun sa movie,” sabi ni Kathryn.

Patuloy niya pa, “And parang kahit anong hirap ‘yung ginawa namin sa shooting parang sobrang special talaga itong project na ito sa amin ni DJ kasi ‘yung story, ‘yung characters namin parang napamahal talaga siya sa amin. Napaka-hands-on namin sa character kaya worth it po talaga lahat.”

( ROMMEL PLACENTE )

About Rommel Placente

Check Also

Joel Cruz at mga anak rumampa sa Filipinxt Fashion Show sa NY

MATABILni John Fontanilla HINDI malilimutan ni Lord Of Scents at CEO & President ng Aficionado Germany …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Beaver sa pagpasok sa isang relasyon: gusto ko handa na ako

MA at PAni Rommel Placente SA nagdaang Star Magic Prom 2024, na ginanap sa Bellevue Hotel noong …

Albie Casino

Albie proud maging ama, iba ang sayang naramdaman

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh na Showbiz Update, na …

Jeraldine Blackman Anna Magkawas

Jeraldine Blackman may espesyal na diet

RATED Rni Rommel Gonzales ANG Blackman family ay pamilya ng content creators na naka-base sa Australia. Ito …

Caris Manzano Aica Veloso JD Aguas Jenn Rosa

Caris Manzano nagka-trauma, tinangkang halayin ng amain

RATED Rni Rommel Gonzales TRAUMATIC para sa Vivamax actress na si Caris Manzano ang attempted sexual harassment sa kanya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *