Friday , December 9 2022

Solaire valet parking burara ba sa seguridad!?

IBANG klase raw pala ang valet parking sa Solaire.

‘Yan po ang reklamong kumakalat sa social media  mula sa isang customer na napasyal sa nasabing casino & hotel establishment.

Supposedly, sabi ng biktima, it was a happy day. Kasi nga may surprise gift sana sa kanya ang kanyang partner sa kanilang anniversary.

Pero ang saklap, kasi saglit na saglit lang nawala agad ‘yung Diamond ring.

Diyan pala sa Solaire, Diamond is forever — forever na mawawala sa inyong pagreregalohan!?

Hindi raw ‘yan ang first time — dati ang nawala sa kanila ay necklace. Hindi nila ito masyadong pinansin dahil inisip nila naiwaglit sa kung saan at eventually ay makikita rin.

Pero nang mawala na nga ang supposedly ay surprise gift sa kanya, saka nila binalikan ang pagkawala ng nasabing necklace at noon nila napagtanto na roon din nawala sa valet parking ng Solaire.

Nagkamali kasi siyang hindi ma-check ang mga iniiwan niya sa sasakyan at ngayon ay kanyang pinagsisisihan.

Iniwan lang sandali sa pinakatagong lugar sa loob ng kotse para i-surprise sa kanya, pero naglahong parang bula sa Solaire valet parking.

Wattafak!?

Ang nakapagtataka raw talaga rito, parang nabubuksan ang kotse at nahahalungkat nang hindi nahahalata ng may-ari.

Itong pagkawala ng Diamond ring, tipong epic fail pa nga, kasi iniwan ‘yung ring box.

Siyempre kapag nagreklamo ang may-ari, isa lang ang sasabihin ng management — “Huwag po kayong mag-iwan ng valuables sa kotse ninyo, dahil hindi namin pananagutan ‘yan.”

Juice Colored!

So ang moral lesson po para sa lahat na pupunta diyan sa Solaire casino, huwag na huwag mag-iiwan ng kahit na anong valuables sa inyong kotse dahil baka madale kayo riyan sa Solaire valet parking?!

Isa lang ang wish ng mga nanakawan o nawawalan diyan sa Solaire valet parking — MAKARMA sana kayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply