Pasay City Police OIC S/Supt. Nolasco Bathan may go signal sa lotteng bookies?

Marami ang nagtataka riyan sa Pasay City kung bakit imbes mapigilan ‘e parang ‘yumayabong’ ang  lotteng bookies sa nasa-bing lungsod.

Itinatanong nila kung totoo bang may go signal na ba si Pasay City officer-in-charge (OIC) S/Supt. Nolasco Bathan sa mga 1602 na ‘yan?!

At ‘yan daw ang madalas na bukambibig ng mga lotteng operator na sina alias Boy, alias Jose, Totoy alias Barurot, at Abby ng Casino, Makati City.

‘E bakit naman mag-go-go signal si Kernel Bathan, ang mga illegal gambling operator na ba ang bagong boss ni hepe?

Araykupo!

Hindi naman pwedeng basta na lang mag-operate ‘yang mga 1602 operator kung walang basbas sa local police ‘di ba?

Paki-klaro lang Kernel Bathan!

Alam mo naman na ayaw na ayaw ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa nang ganyan!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

[divider]

BULABUGIN – Jerry Yap