Saturday , May 25 2024

Mga lalaking parang aso kung umihi, ‘di ma-take ni Jasmine

HINDI ma-take  ni Jasmine Curtis-Smith ang mga lalaking parang aso kung umihi. ‘Yun bang  kahit nasa  kalye ay basta na lang nagbabawas ng tawag ng kalikasan.

Inis na inis siya sa isang guy na nakita niyang umihi sa gilid ng bus.

Nag-post siya sa kanyang Twitter account ng larawan ng  lalaking nakatalikod at umiihi . May caption ito ng. ”Absolutely grose. Paging @mmda [Metro Manila Development Authority].”

“Kung ihing-ihi sa traffic then find a more appropriate solution. Hindi ‘yung sa KALSADA  at sa HARAP ng ibang tao,”  reaksiyon pa ng TV5 star.

Nakatanggap naman ng pamba-bash si Jasmine sa post niyang ito  gaya ng “Paanong naging grose kung ihing-ihi na pala sa traffic?Kaunting unawa. Mas grose ‘yung mag-PDA kau ng BF mo. How insensitive”.

Sumagot naman si Jasmine ng hindi traffic noong araw na ‘yun

”We’ve all been there. Kaunting professionalism o kahit common courtesy lang,” tweet pa niya.

“Nasa  stop light at kalsada at may mga pasahero. There are proper protocols naman siguro. I am just trying to make people understand that such behaviors should not be condoned. Ganyan ba tayong mga Pinoy? Basta convenient sa atin, ok lang?,” hirit pa niya.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Joel Cruz at mga anak rumampa sa Filipinxt Fashion Show sa NY

MATABILni John Fontanilla HINDI malilimutan ni Lord Of Scents at CEO & President ng Aficionado Germany …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Beaver sa pagpasok sa isang relasyon: gusto ko handa na ako

MA at PAni Rommel Placente SA nagdaang Star Magic Prom 2024, na ginanap sa Bellevue Hotel noong …

Albie Casino

Albie proud maging ama, iba ang sayang naramdaman

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh na Showbiz Update, na …

Jeraldine Blackman Anna Magkawas

Jeraldine Blackman may espesyal na diet

RATED Rni Rommel Gonzales ANG Blackman family ay pamilya ng content creators na naka-base sa Australia. Ito …

Caris Manzano Aica Veloso JD Aguas Jenn Rosa

Caris Manzano nagka-trauma, tinangkang halayin ng amain

RATED Rni Rommel Gonzales TRAUMATIC para sa Vivamax actress na si Caris Manzano ang attempted sexual harassment sa kanya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *