Wednesday , June 24 2026

Kilalang personalidad, mabilis na nagka-ere nang ma-appoint

ISA nang appointee sa ilalim ng Duterte administration ang kilalang personalidad na ito na mahusay sa kanyang larangan.

Pero bago ang kanyang appointment ay kinontak pala siya ng isang kasamahan sa hanapbuhay para sa isang trabaho. Siyempre, ipinaalam ng kumontak kung ano ang kanyang gagawin, sabay tanong na rin kung magkano ang presyo nito?

Sagot ng personalidad, “(pangalan ng contact person), Two hundred thousand pesos ang talent fee ko. Take it or leave it.”

Doon na natapos ang simple at sandaling transaksiyon, pero masama ang loob ng kumontak sa personalidad. Sana man lang daw ay naisip nito ang may kalaliman din nilang pinagsamahan ng celebrity na ‘yon, na bumilang na rin  ng napakaraming taon.

Mas ikinasama niya ng loob ang huling pangungusap na, “Take it or leave it” na binitawan ng personalidad na itago na lang natin sa alyas na Clarissa Que Sera Sera.

( Ronnie Carrasco III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …