Friday , January 28 2022

Hustler na hunk actor kinahuhumalingan ng mga babaeng uhaw, beauty queen bagong biktima

GUWAPO at maganda pa rin ang pangangatawan ng hunk actor, na kilalang hustler ng mga artistang babae na patay sa kanya.

Ilan sa mga naging biktima noon ni sexy actor ang dating sikat na sexy star na halos lahat ng kinitang datung sa showbiz ay ibinigay sa kanya.

Ginastusan rin ng biyuting character actress na mahilig sa batang lalaki.

Kahit na ang naging kalabtim na youngstar na naka-on nang matagal na panahon ni actor ay ginawa rin niyang tagabayad ng kanilang bill sa resto tuwing may date sila.

We heard, na beauty queen naman daw ang bagong biktima ngayon ni actor na sobrang in-love sa kanya kaya buhay hari siya sa piling nito.

Well hindi naman matatawag na literal na callboy si actor kundi nakasanayan na lang talaga na babae ang bumubuhay sa kanya.

Controversial na crime case ni Mr. Antonio

NEGOSIYANTE BINARIL NG SARILING ANAK MAPAPANOOD BUKAS SA SOCO NI GUS ABELGAS

NOONG 2013, naging headline sa iba’t ibang tabloid ang pagpaslang sa negosiyanteng may-ari ng sikat na recruitment agency na si Mr. Antonio P. Antonio na walang awang pinagbabaril ng sariling anak na si Nelson Bermejo-Antonio na hinabol pa ang ama at tinadtad ng baril.

Nagawa pang itakbo ng magkapatid na Vladimir at Xialen ang kanilang nag-aagaw buhay na ama sa Asian Hospital pero hindi na umabot nang buhay sa ospital dahil idineklara itong dead on arrival.

Matagal na pinag-usapan ang kasong ito at labis na ikinalulungkot nina Xialen at Vladimir at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakakamit ang hustisya para sa kanilang daddy.

Kasama ng kanilang mga pamilya, hiling nila na sana ay mahuli na ang kadugong kriminal na sabi ay nakita noong isang taon sa Singapore at doon nagtatago.

Pero hindi sila nawawalan ng pag-asa dahil nasa tabi nila at laging nakasuporta ang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio.

Sa tulong ni Atty. Ferdie ay may hakbang nang gagawin ang NBI para mahuli si Nelson kahit saang bansa pa siya magpunta dahil sa warrant of arrest na inilabas ng korte.

Pinasasalamatan nila si incoming Justice Secretary Vitaliano Aguirre dahil siya ang naging daan para kumilos na ang NBI sa paghahanap sa nasabing suspect na may reward na P.5-milyon sa sino mang makapagtuturo sa kinaroroonan ngayon.

Samantala, bukas (August 19) sa ganap na 4:00 pm ay matutunghayan sa SOCO ni Gus Abelgas sa ABS-CBN ang controversial na kaso ni Mr. Antonio na may hashtag na #justiceforAPA at #nelsonbermejoantonio. Umaasa si Vladimir at Xialen na sa pamamagitan ng pagpapalabas ng crime case ng kanilang ama ay magkaroon ng positibong resulta at makatutulong para makamit ang matagal nang hanap na hustisya.

HAKOT PA MORE WINNER NA SI EMILY WAGI NA NG P36,620 TUMANGGAP PA NG ISANG KAHON NA UNI-PAK SARDINES

Nagtatatalon sa tuwa ang studio audience na si Emily nang ang numero niya ang nabunot at napiling maglaro o maghakot ng lucky coins sa “Hakot Pa More” noong Miyerkoles.

Lalong natulala ang ginang at apaw ang kaligayahan nang umabot sa 36 kilos at 620 grams ang nahakot na coins ng kapartner na si Bae Kim na ang katumbas na halaga ay P36,620.00. Tumanggap pa siya ng isang kahon na sardinas mula sa Uni-Pak.

Bukod kay Emily, apat na studio audience pa ang masuwerteng nabunot para hulaan kung magkano ang mahahakot na coins ni Emily at ang may pinakamalapit na sagot na si Pam ang siyang nagwagi ng P10K.

Tumanggap ng consolation prize na tig-5,000 pesos sina Ruth, Dennis at Zensa.

Sobrang laking tulong ng Hakot Pa More ng Eat Bulaga sa mga Dabarkads na nangangailangan ng financial assistance sa dami ng mga bayarin.

Kaya naman hulog ng langit ang EB sa bawat winner ng nasabing game contest.

JONAS AT SUSHIE APRUB NA KAY MARGE, PAGIGING BAKLA NI JOHN TANGGAP NA NG MGA KAPATID SA “CALLE SIETE”

Dahil mas riot at super funny mga eksena sa “Calle Siete” pataas nang pataas ang ratings nito at hindi nagpapakabog sa kalabang show sa AGB Nielsen Mega Manila Ratings at palaban na rin sa Kantar Media National TV Ratings sa 10.6% na rating noong August 15.

Bukod sa mga pangunahing character na gumaganap sa family comedy-drama series ng Tape Incorporated na kinabibilangan nina Ryzza Mae Dizon, Eula Valdez, Christian Bautista at love team ng morning serye na sina Kenneth Medrano at Taki Saito na mag-on na. Malakas rin ang impact ng komedyanang si Rubi Rubi na gumaganap na tiyahin ni Sushi (Saito) at Lucky Mercado bilang bading na si John. Matapos aminin sa kanyang Ate Shiela (Valdez) at sa mga kapatid na sina Barbie (Dizon) at Jonas (Medrano) ay tinanggap siya nang buong-buo.

Nakaw eksena rin sa serye si Bianca, kahit alam niyang gay ang crush na si Jonas, panay ang kombinsi niyang gustuhin siya nito.

Ops, may mga seksing Babes rin sa Calle Siete, sina Patricia Tumulak at Lovely Abella. Mula ito sa direksyon ni Monti Parungao at mapapanood araw-araw, 11:30 ng umaga sa GMA-7 bago mag Eat Bulaga.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Baguhang poging male star nakatanggap ng malaking offer kay dirty old rich gay

HATAWANni Ed de Leon AKALA namin ay hindi bibigay at talagang matino ang isang baguhang poging …

Gladys Reyes Christopher Rojas

Gladys at Christopher dapat tularan (30 taon ng kasal)

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN mo 30 years na palang kasal sina Gladys Reyes at Christopher Rojas. Teenager …

NTC ‘di dapat i-bash, pagkuha ng franchise asikasuhin

HATAWANni Ed de Leon ANG ginawang pamimigay ng NTC sa mga dating frequencies ng ABS-CBN sa ahensiya ng Advance Media …

Leni Robredo Boy Abunda

Sa interbyu kay Boy Abunda
VP Leni pinuri sa malinaw at matibay niyang plano para sa bansa

UMANI ng papuri si presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang artista sa pagprisinta …

Mike Defensor

City of Stars itutuloy ni Defensor (‘pag nahalalna mayor ng QC)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ITUTULOY ni Cong. Mike Defensor ang matagal ng plano ng namayapang Master …

Leave a Reply