Wednesday , June 26 2024

Marion, grateful sa 8 nominations sa Awit Awards!

00 Alam mo na NonieTULOY-TULOY sa paghataw ang showbiz career ng talented na singer/composer na si Marion. Kaliwa’t kanan ang magagandang nangyayari ngayon kay Marion. Ang last leg ng kanyang album tour sa SM City Molino noong July 30 at SM City San Lazaro last Saturday ay patok sa mga audience.

Bukod sa successful ang album tour ni Marion, very visible siya ngayon sa TV. Kahapon lang ay nag-guest siya sa ASAP ng ABS CBN. Actually, I think magkasunod na Sunday guest dito si Marion dahil noong July 31 ay nag-guest din siya sa Sunday noontime show ng Dos para naman sa selebrasyon ng Starmagic’s 24th anniversary.

Si Marion din ang special guest ni Marlo Mortel sa kanyang show na I love OPMM na gaganapin sa Zirkoh sa August 18 (Thursday), 9 pm. Ang iba pang guest dito ay sina Yexel Sebastian, Fourth Solomon, Carl Saliente, at Aekaye Tereshkova.

Ang isa pang matinding achievement ni Marion so far ay nang makakuha siya ng walong nominations sa Awit Awards! Hanep ang dami ng nominasyon ni Marion at isa itong feat na hindi nagagawa basta-basta ng mga ordinaryong singer/composer. Patunay lang kung gaano ka-talented si Marion.

Kabilang sa mga kategoryang nominado si Marion ang Best Song of the Year-Free Fall Into Love, Best Collaboration-Unbound featuring Alex Gonzaga and Morisette Amon, Best Pop Recording-Free Fall Into Love, Best Dance Recording-Lights Down Low, Best Inspirational Song-Be Like You, Best Jazz Recording-How Can I, Best Vocal Arrangement–Unbound, at Best Engineered Recording-Wanna Be Bad.

Sa kanyang social media account, ito ang mga ipinahayag ng singer. “Thank you Awit Awards for 8 nominations from the MARION album. So grateful and surprised haha thank You, Lord.”

Sa ngayon ay abala si Marion sa pagpo-promote ng album niya. Kahit nag-aartista na rin ngayon, sinabi niyang hindi raw niya mapapabayaan ang career sa music.

“Hindi naman po siguro. I think puwede namang pagsabayin iyon. Marami namang artists ngayon ang pinagsasabay yung singing and acting,” wika pa niya.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Poging BL Star nalaglagan ng poppers at lubricant habang pinagkakaguluhan ng mga faney

ni Ed de Leon IYON namang isang Poging BL Star, nagbakasyon yata sa abroad. Nasalubong siya roon …

Blind Item, Men

Young Male Star madalas sa orgynuman, fave imbitahan sa secret gay parties

ni Ed de Leon NAALALA tuloy namin ang isang tsismis pang narinig namin, iyong si Young …

Ronnie Liang Harry Roque AR dela Serna

Ronnie Liang nadamay lang sa usaping Harry at AR

HINDI naman daw date ang nakita sa video na magkasama sina Ronnie Liang at Harry Roque. Iyon pala …

KDLex KD Estrada Alexa Ilacad

KDLex marami pang proyektong kaabang-abang

HOTTEST Musical Pair ang taguri ngayon kina KD Estrada at Alexa Ilacad o mas kilala sa kanilang tambalang KDLex. Mula …

Kathryn Bernardo Barbie Forteza David Licauco

Barbie sa pagkokompara kay Kathryn—big honor for me, sana makatrabaho ko siya

GRABE pala ang paghanga ni David Licauco kay Kathryn Bernardo. Maging si Barbie Forteza ay wish nitong makatrabaho ang Box-Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *