Wednesday , January 19 2022

Kalsohan si OWWA Chief Rebecca Calzado

MAGKAIBA raw talaga ‘yung magaling sa teorya kaysa praktika.

Gaya nitong si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief, Rebecca Casado ‘este Calzado. Hindi kayang tawaran ang kanyang credentials at taas ng karerang inabot sa civil service.

Katunayan nagpapalipat-lipat lang siya sa iba’t ibang tanggapan sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sampung taon siya Department bilang wage analyst, senior marketing officer at chief employment officer sa Overseas Employment Development Board (OEDB) at sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Nagtapos siyang cum laude sa School fo Economics ng University of the Philippines (UP) ng kursong A.B. Economics.

At alam ba ninyong mula sa POEA, ibinalik siya sa Department Proper bilang Head Executive Assistant sa Office of the Secretary (OSEC), sa loob ng dalawang taon?!

Pagkatapos ay naging Deputy Executive Director ng National Wages and Productivity Commission (NWPC).

Mula sa NWPC, ibinalik si Madam Calzado sa Department Proper bilang Assistant Secretary for Policy, Programs and International Labour Affairs, at pagkatapos sa Employment Facilitation and Manpower Development.

Ganyan po siya kagaling.

Pero nagtataka naman tayo kung bakit hindi naipakita ni Madam Calzado sa aktuwal na pagresolba sa kaso ng mga stranded na overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia ang kanyang husay at galing.

Sabihin na nating dalawang taon lang siya riyan sa OWWA, pero hindi ba niya nakita na walang nagtangkang resolbahin ang kaso ng mga overstaying at stranded OFWs sa Saudi Arabia?!

Eksperto naman siya sa research pero bakit hindi hindi niya nahalungkat na halos 11,000 na ang nga stranded na Pinoy sa Saudi?

Hindi rin pwedeng sabihin na kapos sa pondo, e ang laki ng ambag diyan ng OFWs!

Bilang OWWA chief, naisip kaya ni Madam Calzado na kailangan niyang kumilos nang mabilis para sa kapakanan ng OFW at sa pamilya nilang naririto sa Filipinas?!

Pauwiin kung walang trabaho at bigyan ng air fare ticket kung walang pasahe.

Kung hindi pa naging presidente si Pangulong Rodrigo Duterte ‘e hindi pa napagtuunan ng pansin ang kalagayan ng mga naghihirap kababayan nating na-stranded sa Saudi Arabia dahil sa mga kompanyang biglang nagsara.

Sabi nga ng mga empleyado ng OWWA, dalawang beses lang nilang nakikita si OWWA Chief Ms. Calzado, una, kapag pumapasok sa kanyang opisina, at ikalawa, kapag lumalabas na para umuwi.

Aba ‘e, ‘yan siguro ang comfort zone ni Madam Calzado, ang kanyang opisina?

Sa ikatlong pagkakataon, nakikita nila si Madam Calzado kapag mayroong dumarating na repatriated OFWs at kailangan mag-photo op sa media?!

At dahil komportable naman ang kanyang situwasyon, ni hindi sumasagi sa kanyang isipan na mayroong 11,000 stranded OFWs na hindi alam kung makauuwi pa ba sila sa Filipinas at tatanggapin ba sila ng kanilang pamilya kapag hindi na kayang ibigay ang luhong kapalit ng kanilang kalungkutan at pagtitiis?!

Hindi man lang ba sinagian ng konting kahihiyan si Madam Calzado sa kalagayan ng OFWs sa Saudi?!

Ngayong bago na ang administrasyon, wala kayang balak si Madam Calzado na mag-giveway sa mga very eager magtrabaho para sa kapakanan ng OFWs?!

Mantakin ninyo, sa tagal niyang nakaupo bilang pinuno ng OWWA e ngayon lang niya naisip maglabas ng pera pantulong sa stranded OFWs at pamilya nila.

Mukhang hindi naman siya magre-resign dahil mahaba-haba pa ang kanyang ipaglilingkod sa gobyerno…

Kaya puwede siguro, tumabi-tabi muna siya at bigyan ng daan ang itatalaga ng Pangulo…

Sino na nga ba ang tunay na makakadamay ng ating modern heroes, Mr. President?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply