Saturday , May 18 2024
electricity brown out energy

Energy Sec. Al Cusi ang katapat ng power producers!

EIto ‘yung matagal na nating hinahanap.

‘Yung Energy Secretary na hindi kayang lokohin ng power producers. Hindi robot ng malalaking power supplier.

‘Yung kapag nagkaroon ng malawakang brownout ay kailangan magpaliwanag ang power producers at kailangan matukoy nila kung ano talaga ang dahilan ng brownout.

Hindi ‘yung kapag nag-brownout ang isasagot ‘e, “Wala tayong magagawa, minalas tayo.”

Wahahahaha! Sounds familiar?!

Yes korek na may malaking tsek, narinig po natin sa isang dating opisyal ng MIAA ang mga katagang ‘yan.

Ngayon sa katauhan ni Energy Secretary Al Cusi, dating general manager ng Manila International Airport (MIAA), hindi puwede ‘yung walang paliwanag kung bakit nag-brownout.

Sabi nga niya, “nakikita at namo-monitor kung sino ang nagbabawas ng power supply.”

Hindi nga naman puwedeng, basta naisipan lang magbawas ng power supply ‘e biglang magbabawas.

Labag na labag sa batas ‘yan. At si Secretary Al Cusi lang ang naglilinaw niyan ngayon sa mga consumer.

Mantakin ninyo, lahat ng gastos sa energy ay ipinapapasan sa consumers/subscribers pero sila rin ang nasusunod kapag biglang nagbawas ng power supply?!

Tama ba ‘yun?

Ngayong nagbabala si Secretary Cusi na paiimbestigahan ‘yang mga power producers na ‘yan lalo roon sa mga probinsiya, aba ‘e maghanda na kayo! Sulong Secretary Al Cusi!

Now na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *