DOTC OTS personnel i-random drug test!
Iba talaga ang bagong administrasyon.
Ngayon naman ay ipinupursige ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang random drug testing sa ilalim ng kanyang tanggapan.
Pero ang request natin, unahin sana ni Secreatry Tugade ang mga staff ng Office for Transportation Security (OTS) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.
Huwag sana natin kalimutan na kaya nagkaroon ng laglag-bala sa airport ay dahil sa ilang βadikβ na staff ng OTS sa NAIA.
Humanap ng delihensiya ang mga βadikβ na βyan at ang biniktima ay mga kababayan nating dumaraan sa NAIA.
Secretary Art Tugade, tiyak na maraming matutuwa sa inyo kapag natukoy na kung sino ang mga adik na dapat patalsikin diyan!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
