Monday , June 24 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bulilyaso sa MCIA Immigration imbestigahan! (Paging: SoJ Vitaliano Aguirre)

USAPAN ngayon ang bulilyaso riyan sa Immigration Mactan Cebu International Airport (MCIA).

Isang babaeng overseas Filipino worker (OFW)  bound for Dubai ang na-A-to-A (airport to airport) matapos mag-transit at ibalik ng bansang Singapore!

Wattafak!?

Akala natin ‘e mga super higpit ang mga bagong Immigration TCEU head and members na ipinadala riyan sa Cebu airport?

Balitang isang IO Ria Roxas ang primary inspector at batchmate ng all-terror cast MCIA-TCEU (travel control enforcement unit) ang nagtatak sa passport ng nasabing OFW.

Nabuking yata sa Singapore na may nakaipit na E-Visa sa passport ang nasabing OFW at hindi naman pala turista kaya nabulilyaso matapos magkamaling pumila sa counter ng immigration.

080716 MCIA mactan cebu airport immigration

Ang tanong, “cream of the crop” ba talaga ang current TCEU line-up ng Immigration MCIA kaya sila ang mga ipinadala riyan?

From MCIA TCEU Head Mura-flor ‘este Miraflor to TCEU Garbage ‘este Garbas-Relatos tandem up to TCEU Re-uyat ‘este Reuyan.

Aba’y All-Star cast nga!

Paano nakalusot ang ang isang improperly documented na OFW kung walang sabwatang naganap dito?!

Ang balita sila pa raw lahat ang naka-duty noong dumaan ang nasabing OFW?

Magkano ‘este ano ba talaga ang ‘true to life story’ at nangyari ito?

Any explanation sa performance level ng mga bata mo, over-all TCEU Head Barizo!?

‘KUPITAN’ NG MPD
‘DELIHENSIYA GROUP’
NASIBAK NA?!

070316 MPD

HALOS maglundagan sa tuwa ang nakararami at matitinong pulis sa Manila Police District (MPD) HQ nang mabalitaan na sinibak na ni district director S/Supt. Jigz Coronel ang notoryus na nagpapanggap na honest cop na ‘kupitan’ ng delihensiya group.

Gusto kasi ni Kernel Coronel na magkaroon na ng tunay na pagbabago sa MPD.

Hindi ‘yung puro pera-pera lang ang lakad.

Tuwang-tuwa mismo ang mga ‘ka-brod’ at ‘mates’ daw ni Kupitan dahil sa wakas ay naputol na rin ang sungay niya sa MPD.

Nagyayabang pa raw si Kupitan na magbabakasyon lang daw siya at lalakarin ang kanyang promotion?!

Wattafak!?

Ang latest, dahil sa ginawang ito ni MPD director Joel Coronel ay muling tumaas ang moral sa hanay ng pulisya sa Maynila.

Kudos S/Supt. Jigz Coronel!

BILIB SA SONA
NI PRESIDENT DU30

Philippine President Rodrigo Duterte speaks during his first State of the Nation Address at the Philippine Congress in Quezon city, Metro Manila, Philippines July 25, 2016. REUTERS/Erik De Castro - RTSJHUQ
Philippine President Rodrigo Duterte speaks during his first State of the Nation Address at the Philippine Congress in Quezon city, Metro Manila, Philippines July 25, 2016. REUTERS/Erik De Castro – RTSJHUQ

SIR JERRY, nagmarka sa kasaysayan ang unang SONA ni President Duterte dahil bukod sa pinakamahaba sa lahat ng SONA ng mga naging Pangulo ng bansa ay ito rin ang naging pinakamapayapa.

Ang panggugulo na gawain noon ng mga raliyista ay napalitan ng suporta.

Nakatutuwang isipin na isang Rodrigo Duterte pala ang makagagawa nito. Kitang-kita ang sinseridad sa bawat mensahe na kanyang binigkas at kasama na nga roon ang agarang  unilateral ceasefire ng pamahalaan sa CPP-NPA-NDF na ini-announce ng pangulo pero sana sincere din ang mga rebelde sa panawagang ito at patunayan nila na suportado nila ang pagbabago sa gobyerno. Sila rin mismo ang titigil sa kaguluhan laban sa mga sibilyan lalo sa mga kabataan na madalas nilang nare-recruit para maging miyembro.

Romeo S. Talavera
Lucban, Quezon
[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Dapat bang suportahan ni Digong si Imee sa halalan 2025?

SIPATni Mat Vicencio SILIP NA SILIP ang diskarte ni Senator Imee Marcos at halatang ginagamit …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ang ‘mischievous’ na misis ng Pangulo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BAGO mag-weekend, isang pahayag kontra kontrobersiya ang umalingawngaw mula …

Sipat Mat Vicencio

Dapat lang sibakin si Migz

SIPATni Mat Vicencio WALANG ibang dapat na sisihin sa pagkakasibak ni Senator Juan Miguel “Migz” …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

General lie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PINAKAWALAN sa Shangri-La Dialogue ng pinakamatataas na opisyal ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Pananakit ng grupong MANIBELA kay Gonzales, kinondena ng QCPDPC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKALULUNGKOT ang balita o nangyari kahapon sa kapatid namin sa pamamahayag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *