Bilib sa SONA ni President DU30
hataw tabloid
August 7, 2016
Bulabugin
SIR JERRY, nagmarka sa kasaysayan ang unang SONA ni President Duterte dahil bukod sa pinakamahaba sa lahat ng SONA ng mga naging Pangulo ng bansa ay ito rin ang naging pinakamapayapa.
Ang panggugulo na gawain noon ng mga raliyista ay napalitan ng suporta.
Nakatutuwang isipin na isang Rodrigo Duterte pala ang makagagawa nito. Kitang-kita ang sinseridad sa bawat mensahe na kanyang binigkas at kasama na nga roon ang agarang unilateral ceasefire ng pamahalaan sa CPP-NPA-NDF na ini-announce ng pangulo pero sana sincere din ang mga rebelde sa panawagang ito at patunayan nila na suportado nila ang pagbabago sa gobyerno. Sila rin mismo ang titigil sa kaguluhan laban sa mga sibilyan lalo sa mga kabataan na madalas nilang nare-recruit para maging miyembro.
Romeo S. Talavera
Lucban, Quezon
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN – Jerry Yap