Monday , June 24 2024

Paolo ‘bed rest’ muna, habang wala pa sa EB

00 SHOWBIZ ms mMABILIS nangilid ang luha ni Paolo Ballesteros nang tanungin ito ng ilang entertainment press na dumalaw sa first shooting day ng pelikula nila nina Dennis Trillo at Anne Curtis, ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend ng Viva Films at Idea First Company ukol sa kung kailan siya babalik ng Eat Bulaga.

“Iyan din ang tanong ko eh, ha, ha, ha. Baka alam ninyo kung kailan, ha, ha, ha,” bungad na sagot ni Paolo kasunod ang sabing hindi totoong lilipat siya ng Kapamilya Network.

“Hindi, wala pa (pagbabalik-EB),”  muling giit nito at aminadong sobrang nami-miss na niya ang panghapong show. ”Siyempre nami-miss siyempre araw-araw ginagawa iyon ‘di ba. Tapos nami-miss ko ang lahat ng mga kasama ko sa trabaho. Pero mas nami- miss ko rin ‘yung mga naiinterbyu namin na mga nananalo sa ‘Juan For All, All For One’, ‘yung mga ganoon.

“Kasi parang iyong kakausapin mo sila tatanungin mo buhay nila. (mga taga-barangay). Kaya kapag nagsu-shooting kami may mga talent na taga-barangay, kinakausap ko mga lola.”

Natanong si Paolo kung may closure ang mga nangyari ukol sa pagkawala niya sa EB. ”Mayroon naman, (tuluyan nang nangingilid ang luha), hindi puwedeng wala kasi sa company matters sabi eh,”  sambit pa nito na natural na maging ganoon ang reaksiyon niya dahil 15 taon na pala siya saEB.

Sinabi ni Paolo na totoong bigla ang nangyaring pagpapahinga niya nang mawala siya sa Eat Bulaga. ”Okey lang naman. Hindi lang naman ako ang napahinga. Niloloko ko nga sina Wally (Bayola) at Jose (Manalo) sinasabi ko sa kanila na ‘it’s a tie’ kaming tatlo ha ha ha. Silang dalawa napahinga rin, ‘wala na tayong maipagmamalaki sa isa’t isa’.”

At habang wala sa EB, dalawang pelikula ang pinagkakaabalahan ni Paolo, ang Die Beautiful  at  Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend? Kaya naman natanong ito kung na-compensate ba ng paggawa niya ng pelikula ang pagkawala niya sa EB?

“Okey naman kasi itong sa movie naman nag-start kami siguro last month lang so, before niyon, talagang bed rest, pahinga. Eh mag-six months na rin akong wala sa EB.”

Sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend, gagampanan niya ang role na ex ni Anne. ”Siya si Kylie ako si Bench. It turned out na lahat ng nagiging BF ni Anne mga beki Pero ako rito sa movie hindi ako out, ayokong mag-out. Out lang ako kay Anne at sa mga kapatid niya, sa family niya, sa iba ayokong mag-out.

At dahil kasama si Dennis, may kissing scene ba silang dalawa sa pelikula? ”Sana ha, ha, ha. Bawal ‘ata eh. Tapos si Anne magkakagusto rin kay Dennis. So, parang ibig sabihin bakla talaga si Dennis dito kasi ‘yun ang mga gusto talaga ni Anne eh.”

Ukol naman sa international producer na tila nagkaka-interes sa kanyang galing mag-make-up o transformation into someone, sinabi ni Paolo na,”Oo ‘yun ‘yung sa ‘Game of Thrones’ kasi nga ‘di ba na-feature na naman ako kung saan-saan. Siguro roon nila nakita.

“Eh ‘pag bukas ko niyong email ko ang daming nag-e-email na kung puwede akong interbyuhin, puwedeng gamitin ‘yung transformation photos. Tapos ito ngang sa ‘Game of Thrones’ isa siyang producer, taga-LA, Hollywood

. Hindi ko pa ina-accept. Ibinigay ko siyempre sa manager ko sila na mag-usap kasi parang couple of nights ago lang iyon.”

At dahil nga sa walang EB si Paolo, nagkaroon siya ng oras para makapagpahinga. ”Bed rest talaga, sa bahay lang ako, natutulog. Nagluluto. At saka parang medyo okey din medyo napahinga kasi ‘yung mga panahon ngayon sobrang init naisip ko nga kawawa naman ‘yung dalawa (Wally at Jose) kasi sobrang init.”

Ang Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend ay idinidirehe ni Jun Lana.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

AR dela Serna Harry Roque

Sino nga ba si AR dela Serna na laging kasa-kasama ni Harry Roque sa Europe?

HATAWANni Ed de Leon MAY ilang nagpadala sa amin ng messages ilang araw na at …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *