Thursday , July 7 2022

Pakakasalang babae ni Dennis, nakita na

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Dennis Trillo na nailang siya sa kissing scene na kinunan agad sa kanilang first shooting day ni Anne Curtis para sa pelikulang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend ng Viva Films at Idea First Company.

“Medyo nailang pero hindi ko na lang ipinahalata. Kasi pangit naman kung pareho kaming (Anne) naiilang ang hitsura. So, kailangan, itago na lang muna ‘yung mga ilang-ilang na ‘yan. Para magawa nang maayos,” anang actor na nairaos naman daw ng maayos ang eksena at nagkakatawanan pa dahil nakatatawa ang sinasabing kissing scene na iyon.

“Kasi ‘yung eksena kanina, kailangan niyang umungol ng malakas habang naghahalikan kami. So, natatawa siya. And ‘yun, parang na-conscious yata siya, so pinagpawisan siya nang husto.

“And awkward nga naman, naghahalikan kayo tapos bigla kang uungol nang malakas, tapos maraming tao roon sa simbahan (St. Vincent Seminary Church), parang ganoon ‘yung eksena,” pagkukuwento ni Dennis.

Wedding rehearsal ang kinunan sa St.Vincent Seminary sa Tandang Sora kaya natanong din si Dennis kung in real life ba ay nakikita na niya ang sarili na ikakasal na.

“Naiisip din naman, napi-picture ko rin ‘yung sarili ko riyan sa mga eksenang ginagawa namin, tulad ng ganito, wedding scene, wedding rehearsals, pero hanggang doon lang. Para at least lang, may idea ako.

“Pero ‘yung gawin ko siya sa totoong buhay, parang hindi pa. Hindi pa siguro anytime soon. Hindi naman sa malayo pa. Pero bigla mo na lang kasing mararamdaman ‘yun. Siguro ngayon, hindi pa dahil focus pa ako sa work, sa kung ano-ano pang mga bagay, kaya hindi pa siguro,” saad pa ni Dennis na medyo nangingiti-ngiti.

Ani Dennis marrying type naman siya pero hindi siya naniniwala sa marrying age dahil wala naman sa edad kung gusto nang mag-asawa.

Natanong din si Dennis kung nakita na ba niya ang babaeng pakakasalan niya?

“Palagay ko,” giit ng actor. ”Ewan ko lang, ayoko ring magsalita ng tapos, pero masaya lang kami.”

Sexy ba siya?

“Dapat sexy siya. At saka magaling magluto,” ani Dennis na tila nasakyan agad ang gusto naming tumbukin.

Bukod sa sexy, may cooking show, at Best Actress ‘di ba, muling tanong ng grupo namin?

Natawa ang aktor at sinabing, ”oo, alam n’yo na, ‘yun na!”

Kaya naman malinaw pa sa sikat ng araw na ang tinutukoy namin ay si Jennylyn Mercado na rumored girlfriend niya. Hindi pa ba talaga nila napag-uusapan ang kasal?

“Wala, hindi pa, eh. Marami pa kaming kailangang asikasuhin sa buhay-buhay namin. Pero darating din ‘yun, hindi lang namin pinupuwersa, hindi lang namin minamadali.

“I think it would come naturally kung talagang akma na ‘yung panahon,”pagtatapos ng aktor.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang Ella Cruz

Pokwang binuweltahan ng fans ni Ella  

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN pero nabatikos din si Pokwang sa komento niya sa statement ni Ella Cruz na “history …

Blind Item, male star, 2 male, gay

Beki handang suportahan si male star ‘pag mawalan ng trabaho

ni Ed de Leon NAGSABI naman daw ang isang bading na ka-on din yata ng isang male star na …

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Euriz Sagum John Rey Malto

Euriz Sagum, handa na sa mundo ng showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SI Euriz Sagum ay 18 taong gulang at kasalukuyang gumagawa …

Leave a Reply