Saturday , July 27 2024

Di kagalingang actor, pahinga muna dahil may attitude

MUKHANG pahinga muna ang drama ng management sa aktor na hindi naman kagalingang umarte pero may attitude na.

Naikuwento sa amin ng taga-production ng network na hindi muna nila bibigyan ng project ang aktor dahil problemado ito sa asawa niyang taga-showbiz din.

Insecure raw ang aktor ngayon dahil mas maraming project ang asawa niya bagay na dapat daw sanang ipagpasalamat.

“Ayaw ba niya (aktor) niyon, malaki ang tulong ng asawa niya kasi may mga project kaysa kanya (aktor) na isa lang? Hindi naman makabubuhay ang kinikita niya para sa kanilang mag-asawa? Mas malaki ang bayad sa asawa (aktres) niya dahil mas may name,” kuwento sa amin ng taga-production.

Naapektuhan daw kasi ang aktres nang mag-away silang mag-asawa na naging dahilan kaya na-pack-up ang shooting.

“Hindi kasi matanggap din ni (aktor) na mas sikat sa kanya ang asawa (aktres) niya at hindi siya ang kapartner,” sabi pa sa amin.

As of now ay walang project ang aktor kaya taumbahay muna siya.

( Reggee Bonoan )

About Reggee Bonoan

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *