Wednesday , July 6 2022

Magandang PR ni Alden Richards, na-witness sa kanyang Thanksgiving Party sa Entertainment Media

Kahit na hindi kami close sa ating Pambansang Bae na si Alden Richards ay aware kami sa kabaitan nito lalo  na pagdating sa pakikisama sa entertainment press close man sa kanya o hindi. Noong pumutok ‘yung loveteam nila  ni Maine Mendoza ay bukod sa suporta namin sa dalawa sa pinagsusulatan naming mga tabloid ay tuwing kami ang  naka-upo as anchor sa daily showbiz radio program naming “Star Na Star,” ng Bff kong si Pete Ampoloquio at kai- bigang Abe Paulite sa DWIZ(882 KHZ) ay nagbibigay kami ng update sa activities ng ALDUB at mga kaganapan sa daily Kalyeserye nila sa Eat Bulaga. At kinagat ng fans at nagkaroon kami ng maraming following sa segment naming  ito. Kaya nang magpatawag ng Thanksgiving Party si Alden through GMA Artist Center ay excited kami na makaharap  ang pambatong actor ng Kapuso network at lalo kaming pinahanga nito sa kanyang pagiging simple at humble kung  saan bawat table ay isa-isa niyang pinuntahan para sa picture taking. Wala ring umuwing luhaan sa nasabing event dahil naging generous si Alden sa kanyang mga ipina-raffle na cash at major prizes na Technomarine watch worth 30 K at Home Theater na LCD TV with speaker at lahat ay nalula sa rami ng give aways na ipinamigay ng aktor mula sa ine-endorso nitong mga produkto na lampas sampu at may pa-ice cream pa siya sa venue. Isa pa sa aming na-witness namin dito kay Alden ay pantay-pantay ang tingin niya sa entertainment media at kuwela ‘yung paghin- gi niya ng sorry sa mga reporter na malapit sa kanya na mga nabunot sa pa-raffle niyang 1 K. Namigay rin siya ng 2 K at 5 K at nagpahabol pa ng tatlong 10 K. Sa blessings na kanyang ipinamahagi sa press, hindi lang lalong babango ang pangalan ni Alden kundi patuloy pa siyang bibiyaan ng Itaas ng higit pang biyaya sa kanyang showbiz career. Bukod sa Kalyeserye nila ni Maine mabenta rin sa mga show abroad si Alden at naka-ilang Platinum na ang album nito sa GMA Records at kahilera na rin siya sa mga Box Office King natin kung saan patuloy na tumatabo ngayon sa takilya ang launching movie nila ni Maine na “Imagine You & Me,” na sabi ay kumita na ng P300 milyon.

Very postive gyud!

DOBLE KARA AT BORN FOR YOU NG DREAMSCAPE ENTERTAINMENT PAREHONG EXCITING PANOORIN SA ABS-CBN KAPAMILYA GOLD AT PRIMETIME BIDA

Muntik nang ikamatay ng isa sa kambal na si Kara(Julia Montes) ang paghahanap kay Hannah(Myel De Leon)  ang adopted daughter nila ng mister na si Seb(Sam Milby). Muntik na kasi siyang mabaril ng babaeng kasabwat ni Alex(Maxene Magalona) mabuti na lang at nailigtas siya ni Seb at ng mga pulis sa trahedyang ito. Pero patuloy  ang pagdadalamhati ni Kara dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natatagpuan si Hannah at si Alex mukhang  wala balak na itigil ang paghagsik ng kanyang kasamaan sa “Doble Kara,” kung anong bait ng kanyang Kuya Seb ay  diabolical naman ang karakter ng dalaga na pumatol na sa mayamang kontrabidang si Polo Ravales para magawa ang  lahat ng maitim na binabalak kay Kara at sa kakambal nitong si Sara (ginagampanan rin ni Julia) na hanggang nga- yon ay itinatago pa rin sa kapatid ang totoo na ang inaangking anak na si Becca ay ang totoong anak nina Kara  at Seb. Ikamamatay raw niya kapag nawalay sa kanya si Becca pero sa huli ay lalabas rin ang katotohanan dahil  walang lihim na hindi nabubunyag. Samantala kung tragic ang takbo ng kuwento ngayon sa DR ay kilig na kilig naman ang viewers ng “Born For You,” kina Kevin(Elmo Magalona) at Sam(Janella Salvador) lalo na ngayong pareho ng talent ang dalawa ng recording outfit na pag-aari ng mommy ni Kevin na si Marge Del Mundo(Ayen Munji-Laurel).

Yes gagawin loveteam sina Kevin at Sam at siguradong sa dami ng kanilang fans ay magki-click kaagad ang tamba- lan nila. Pero mukhang tulad ng kanyang namayapang amang band singer at composer na si Buddy(Bernard Palanca) na namatay sa isang vehicular accident dahil sa pagtraidor ni Marge kung saan inangkin nito ang kinompos ni Buddy na “Born For You” na pinakanta sa palaos noong na ex husband artist noon na si Mike Sebastian(Ariel Riv- era) sa kabila na ang kantang nabanggit ay para sa misis na mang-aawit rin na si Cathy(Vina Morales) na ina ni Sam. Mukhang paglalaruan lang ni Marge ang dalaga at gagamitin niya ito para sa pag-angat pa lalo ng career ni Kevin at sa karangyaan. Paano kapag nalaman ng mag-ina(Sam at Cathy) na taong pinagkatitiwalaan nila ngayon ay ang taong naging sanhi pala ng kamatayan ng haligi ng kanilang tahanan? Pareho pa lang nangunguna sa ratings game ang dalawang show na ito ng Dreamscape Entertainment. Umeere ang Doble Kara sa Kapamilya Gold tuwing hapon  at inyo namang mapanonood ang Born For You, sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng Dolce Amore ng LizQuen.

LOLA, STUDIO AUDIENCE AT MGA RESIDENTE NG BARANGAY PINASAYA NG EAT BULAGA SA KANILANG 37th  ANNIVERSARY

Maliban sa kanilang avid Dabarkads viewers, ang Team Bahay, Team Broadway, Team Abroad ay maraming pina- saya ang Eat Bulaga sa pagdiriwang ng kanilang 37th year anniversary noong Sabado na ginanap sa Broadway Stud- io. Unang nabiyayaan ng grasya ng pangtanghaling programa ay itong si Lola Hermie Valera ng 25-B Eustaquio St., sa isang Barangay sa Mega Manila na sugod-Bahay winner nila sa araw na ito na nagkamit ng total prize na 150 K kasama ng mga natanggap na gift at appliance items na Washing machine, LCD TV at Electric fan mula sa Hanabis-hi, Groceries plus 5 K at dalawang sako ng bigas na courtesy ng Puregold. Isang masaganang lunch treat naman ang pinagsaluhan ng mga studio audience at inihandang boodle food na paboritong pakain sa Kalyeserye ang mga nilantakan ng mga residente sa Barangay at ‘yung iba sa kanila ay nakapag-take out pa sa rami ng pagkain sa mesa. Samantala sa Hakot Pa More na hatid ng UNIPAK Sardines ay nanalo ng P17, 230.00 si Cristy at apat naman ang nabigyan ng bunos na humula sa araw na ‘yon para sa amount na mahahakot na lucky coins ni Cristy at pinakamalapit na sumagot ng 15 K na si Vanessa ang nakapag-uwi ng 10 K at 5 K each naman ang natanggap ng tatlo pang contestants.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Harlene Budol Hipon Girl

Nicole Budol ginawang inspirasyon mga natatanggap na panglalait

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nicole Budol, na mas kilala bilang si Hipon, na isang …

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia kay Arjo — Iba ka manindigan

PUNUMPUNO ng emosyon at pagmamahal ang post sa kanyang Facebook ang super proud mom na si Sylvia Sanchez sa …

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Leave a Reply