Tuesday , June 25 2024

Mahusay na actor, pinababawasan ang exposure ng co-actor ‘pag kinakabog

PARANG ‘di kapani-paniwala ang tsika tungkol sa isang mahusay na aktor. Totoo nga bang kapag kinakabog siya ng isa niyang co-actor sa isang teleserye ay ipag-uutos niya agad na bawasan ang exposure nito kundi man pagpahingahin muna ito?

Sa mga hindi nakaaalam, may creative input ang insecure na aktor sa kanyang palabas pero lisensiya na ba ito para ganoon ang gawin niya sa mga kasama niya roon na pinaghuhusay din ang kanilang mga trabaho?

Nasampolan kasi ang isa niyang kasama na sa totoo lang ay pagkagaling-galing sa role na ginagampanan nito. Pero sa halip na humanga sa kanya ang bida sa kuwentong ito, pansamantala munang pahinga ang karakter nito.

Mahusay naman ang naiinsekyur na aktor na itago na lang natin sa alyas na Cosme Martinez.

( Ronnie Carrasco )

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Poging BL Star nalaglagan ng poppers at lubricant habang pinagkakaguluhan ng mga faney

ni Ed de Leon IYON namang isang Poging BL Star, nagbakasyon yata sa abroad. Nasalubong siya roon …

Blind Item, Men

Young Male Star madalas sa orgynuman, fave imbitahan sa secret gay parties

ni Ed de Leon NAALALA tuloy namin ang isang tsismis pang narinig namin, iyong si Young …

Ronnie Liang Harry Roque AR dela Serna

Ronnie Liang nadamay lang sa usaping Harry at AR

HINDI naman daw date ang nakita sa video na magkasama sina Ronnie Liang at Harry Roque. Iyon pala …

KDLex KD Estrada Alexa Ilacad

KDLex marami pang proyektong kaabang-abang

HOTTEST Musical Pair ang taguri ngayon kina KD Estrada at Alexa Ilacad o mas kilala sa kanilang tambalang KDLex. Mula …

Kathryn Bernardo Barbie Forteza David Licauco

Barbie sa pagkokompara kay Kathryn—big honor for me, sana makatrabaho ko siya

GRABE pala ang paghanga ni David Licauco kay Kathryn Bernardo. Maging si Barbie Forteza ay wish nitong makatrabaho ang Box-Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *