Thursday , June 4 2026
shabu drugs dead

Top 8 drug personality sa Calasiao todas sa 2 armado (High value target ikinanta)

DAGUPAN CITY – Binaril at napatay ng riding in tandem suspects ang itinuturing na ikawalo sa top drug personality sa bayan ng Calasiao sa lalawigan ng Pangasinan.

Pinagbabaril ng hindi nakilalang mga suspek ang biktimang si Richard Flores habang nakikipagkwentuhan sa ilang kakilala.

Nabatid na isa si Flores sa mga sumuko at nakipagtulungan sa pulisya naging dahilan sa pagkahuli sa high value target na si Dennis Gavino na nakompiskahan  ng pera, droga at baril.

MAG-UTOL NA TULAK PATAY SA DRUG RAID SA ALBAY

LEGAZPI CITY – Patay ang magkapatid na hinihinalang drug pushers makaraan lumaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa Brgy. Calzada, Ligao City, Albay dakong 7 pm kamakalawa.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Joel Sadia at Salvador Sadia.

Napag-alaman, pinaputukan nang magkapatid ang mga pulis makaraan makipagtransaksiyon sa isang poseur buyer.

Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng magkapatid.

3 DRUG SUSPECTS PATAY SA POLICE OPERATIONS SA BULACAN

PATAY ang tatlo katao na hinihinalang sangkot sa illegal drug trade sa magkakahiwalay na police operations sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa ulat, si Zaldy Carinio ay napatay makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa Bocaue.

Sa Malolos City at sa bayan ng Sta. Maria, dalawa pang drug suspects ang napatay na kinilalang sina alyas Ben at alyas Moris.

2 DRUG PERSONALITY PATAY SA SHOOTOUT SA BAGUIO CITY

BAGUIO CITY – Patay sa shootout ang dalawang hinihinalang drug personality sa lungsod ng Baguio nang lumaban sa mga pulis sa Labsan St., Brgy. Kayang Extension, Baguio City kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, ang mga biktimang hindi pa nakikilala ay nakipagbarilan sa mga tauhan ng City Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group sa ikinasang buy-bust operation sa naturang lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …