Thursday , June 25 2026
Piolo Pascual
Piolo Pascual

Piolo Pascual, uunahin ang pagpa-pastor bago ang pag-aasawa

LAGING magka-bonding ang mag-amang Piolo Inigo Pascual na ang madalas pag-usapan ay ukol sa mga plano sa buhay.

Ayon sa balita, inamin ng binatang anak ni Papa P na matagal nang gustong maging misyonaryo ang kanyang ama at bilang isang anak, gusto nitong sundan ang yapak nito pero nagdududa siya kung masusundan niya iyon.

Maliban dito ay marami pa silang napag-uusapan pero hindi yata nabanggit ng batang aktor kung pinag-usapan nila ang pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya ng ama. Ang balita, pagdating ng 40 ni Piolo ay mag-aasawa na, pero 39 na siya ngayon at wala pa ring nababalitang girlfriend.

Mula kay Inigo, napag-alamang nasa Europa ngayon ang kanyang amang si Piolo dahil kailangan nitong magpahinga. Inamin nitong may kanting karamdamang iniinda ang ama pero nasa mabuti naman itong kalagayan. Katunayan, nag-aaral daw iyon ng tungkol sa Kristiyanismo. Nag-isip tuloy kami kung naimpluwensiyahan siya ni Dr Hayden Kho na isa ng pastor dahil madalas silang mag-usap.

Ayon pa rin kay Inigo, pupunta rin ang kanyang ama sa New York para mag-aral ng film-making.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …