blind item

Hunk actor, boses bakla

EWAN ko kung may ibang nakapanood sa video ng dalawang magdyowang taga-showbiz. Nasa ibang bansa sila at mahilig silang kumain. Kinukunan nila ang mga pagkaing kanilang nilalantakan.

Si lalaki ang may hawak ng camera at siya na rin ang nagbo-voice over. Pero bakit boses bakla ang naririnig?

Yes, boses beki talaga si lalaki samantalang sa mga teleserye naman, lalaking-lalaki ang kanyang boses. Nagmo-modulate lang kaya siya pero in real life, boses ik-ik?

Gayunman, mukhang labs na labs naman siya ng GF niyang super ganda.

Itago na lang natin ang  hunk na boses hunk na si Dalmacio Macario.

( Timmy Basil )