Wednesday , July 24 2024

Kung may katwiran, ipaglaban mo!

HUSTISYA ang sigaw ng isang misis mula sa Pasay City.

Hustisya ang panawagan niya sa pagkamatay ng kanyang asawa at biyenang lalaki.

Ang sigaw din niya, pinatay ang kanyang asawa nang hindi lumalaban sa mga umarestong pulis Pasay. Pinatay raw ang kanyang asawa ng walang kalaban-laban.

Inakusahan pa ng ginang ang mga lespu na tinaniman pa raw ng baril at ng iba pang ebidensiya ang kanyang asawa nang ito ay pinatay.

Sa kasalukuyan ay kapwa nakaburol ang asawa at ang biyenan ng naulilang ginang sa Pasay. Sila ay nakilalang si Renato Bertes, 48, at anak niyang si Jaypee, 28.

Nag-ugat ang pagkamatay ng mag-amang Bertes dahil may kaugnayan daw sila sa pagtutulak ng illegal na droga sa kanilang lugar sa Ignacio Street sa Pasay City.

Hindi maikakaila na ang Ignacio Street ay isang kalye sa Pasay na malala ang problema sa droga.

Kung ako ang tatanungin, maraming katanungan ang dapat sagutin ng Pasay City police station sa “double” na pagkamatay ng mag-amang Bertes.

Una nasa loob na ng police headquarters ang kanilang subject. He, he, he!!! Kung makakapagsalita lamang ang pintuan ng kulungan.

Teka, parehong namatay sa gunshot wounds ang mag-amang Bertes.

Dahil isa lamang mahirap na pamilya ang ginang, isang lugar lang ang kanyang naisipang puntahan para maghain ng kaukulang reklamo laban sa mga pulis na pumatay sa kanyang mister at biyenan. Iyan ang  Commission on Human Rights (CHR).

Anyway, wala namang masyadong power ang CHR kundi puro investigation at recommendation lamang.

Iba si Senior Supt. Noli Batan, biglang nakilala sa lungsod ng Pasay.

I-RESHUFFLE MO HEPE!

TUTAL ay iisa lang namang ang hangarin ng bagong chief of police sa Pasay City, mas makakabuting i-reshuffle na niyang lamang ang kanyang mga police community commander sa lungsod.

Ilan na kasi sa PCP commander sa Pasay ay familiar face na sa mga kaibigan ng mga galante. Iyon lang po colonel period!!!

E-mail address: [email protected]

CRIME BUSTER – Mario Alcala

About Mario Alcala

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mga mungkahi sa susunod na DepEd chief

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BAGO pa siya manumpa sa tungkulin bilang Kalihim ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *