Wednesday , July 24 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Batas ni Sen. Kiko Pangilinan ‘debacle’ sa katarungan

HETO na naman.

Nagiging hadlang na naman ang Juvenile Act ni Mega-Senator Kiko Pangilinan…

Ngayon iminungkahi ni incoming Speaker of the House, Rep. Pantaleon Alvarez na pababain sa edad 9-anyos ang mga menor-de-edad na dapat sampahan ng kaso, narinig na naman natin ang boses ni Sen. Kiko.

Huwag daw tingnan sa edad.

Sukatin daw ang bigat ng kasong kinasasangkutan.

Sa totoo lang, ‘yang Juvenile Act ni Sen. Kiko ang isa sa mga dahilan kung bakit lalong napariwara ang mga menor-de-edad at lalong nabaon sa kriminalidad.

Ngayon humihirit na naman.

Kaya hindi tayo nagsisisi na hindi natin ibinoto si Mega-Senator, dahil hindi pa namin nalilimutan ang sunod-sunod na delubyong sinapit ng mga kabataan sa batas na ‘yan ni Kiko.

070516 arrest prison

Noon, inakala pa natin na malaki ang maitutulong ng nasabing batas sa mga delingkuwenteng kabataan…

Pero lalo lang palang nagkadeli-delingkuwente ang buhay ng mga kabataan.

Senator Kiko, sana naman ay magkaroon ka ng rektipikasyon sa pagkakamaling ‘yan.

Kung hindi mo matanggap na malaki ang iyonng pagkakamali sa batas na ‘yan, puwede bang tasahin ulit nang mapagtanto naman…

Hindi naman kahinaan ang pag-amin sa kahinaan. Puwedeng maganda talaga ang layunin nang buuin ang batas na ‘yan.

Pero nang ipatupad ‘e hindi ganoon ang nagging resulta.

Ngayon, Mr. Senator, nakahanda ka na bang i-rectify ang batas na ‘yan?!

Sana naman!

ILLEGAL CHINESE ALIEN DAPAT NANG
SUDSURIN SA KAMPANYA VS ILLEGAL DRUGS

070716 taiwanese shabu arrest

Dapat na rin talagang paigtingin ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal na droga.

Umpisahan ‘yan sa pagwawalis ng mga illegal alien na sandamakmak na nagkakalat sa bansa lalo na ‘yung galing sa Taiwan at mainland China.

Lalo na ngayong natuklasan ni Pangulong Digong, na karamihan sa mga sangkot sa illegal na droga ay mga illegal Chinese alien.

Hindi lamang isang beses na nakatimbog ng mga Chinese illegal-drug chemist ang iba’t ibang law enforcement units.

Pero tila mahabang panahon na nanahimik ang mga namumuno sa ating pamahalaan.

Kung hindi pa naging Presidente si Digong, hindi magkakaroon nang ganito kaigting na kampanya laban sa illegal na droga, sa loob at labas ng pamahalaan.

Huwag lamang magtuon sa maliliit na pusher, maliliit na user…

‘Yung tunay na malalaking tulak ang dapat gapiin ng administrasyong Duterte.

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Mga mungkahi sa susunod na DepEd chief

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BAGO pa siya manumpa sa tungkulin bilang Kalihim ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *