WALANG takot na ibinulatlat mga ‘igan sa madlang pipol ni Ka Digong ang mga sangkot sa ilegal na droga sa bansa.
Kilala man sila o napapabilang sa mataas na antas ng lipunan, hindi hadlang upang ipuwera sa anumang kaparusahan ipapataw sa kanila. Tulad ng limang 5 heneral ng Philippine National Police (PNP) na sina retired P/Gen. Marcelo Garbo, retired police General Vicente Loot, P/Chief Supt. Bernardo Diaz, P/Chief Supt. Joel Pagdilao, Chief Supt. Edgar Tinio, na sinibak matapos pangalanang sangkot umano sa ilegal na droga.
Naku, sa kasalukuyan mga ‘igan, patuloy na umiikot ang puwet ng mga tiwali at mga salot. Makipaglaro man kayo ng ‘taguan,’ hindi kayo tatantanang hanapin, partikular ni Ka Digong, na patuloy ang kampanya laban sa illegal drugs, kriminalidad, iba’t ibang klaseng sindikato, kidnap for ransom at marami pang katarantaduhan.
Mapapansing ang ilang nabanggit na heneral mga ‘igan ay protektor umano ng drug syndicate, former regional director, former NCRPO director, at former city police district director.
Take note, ang matindi rito, ang iba’y tumatayong alkalde pa ngayon sa kanilang lugar. Sus ginoo!
Hindi malayong marami ang kasabwat na barangay chairman!
Sa katunayan nga, marami na rin nagsisukong drug pushers at drug users sa iba’t ibang barangay. May kinalaman kaya rito si punong barangay o si barangay chairman?
Atin ngayong bubusisiin…
Sa pag-iikot-ikot ng aking Pipit na malupit, nasaksihan niya mga ‘igan ang katarantaduhan at kawalanghiyaan ng ilang barangay chairman, partikular sa Maynila. Tulad nitong mga lintek at animal na barangay chairman na pasimuno sa lumaganap na ipinagbabawal na gamot sa barangay na kanyang nasasakupan. Patuloy na sumisira sa magandang kinabukasan ng ating mga Kabataan. Pasugalan sa barangay, tulad ng jueteng, bookies, video karera, tupada, at iba pang klaseng sugal na nasa pamamalakad ni chairman. Isama pa mga ‘igan ang illegal connections ng ilaw (jumper) at tubig, sus ginoo!
Mas matindi ang illegal terminal sa Lawton ni chairman. Aba’y ligaya ang dulot nito sa mga pasaway. Magkanong dahilan at hindi masita-sita ito ng mg pulis?
Ano’t laganap ang katiwalian sa Barangay? Ano’t pinapayagan ni Chairman? Kung sabagay, kung si Chairman ang may hawak at nagpapalakad nito’y, ‘deadma’ lang ang mga residente…takot lang nila kay Chairman…baka mabaril daw sila! Huwag masyadong astig ngayon chairman…lagot ka kay Ka Digong!
Nasaksihan ng aking Pipit mga ‘igan, ang pakikipagsabwatan ng mga barangay chairman sa kanilang mga contractor (suppliers).
Kunwari’y may projects! Kung mga materyales ganito ang sistema ng mga tarantadong Chairman!
Ayon sa napag-alaman ng aking Pipit, manghihiram si taratadong chairman sa katabing barangay o sa mga supplier ng mga materyales at kunwari’y ipapade-deliver pa!
Sus, kukuhaan lamang pala ng retrato, na kasama si Chairman pagkatapos ay isasauli na sa tarantadong chairman/supplier na nagpahiram sa kanya.
Ano ba itong pagsasabwatan ng mga animal na barangay chairman at supplier?!
May mga kasabwat din kaya silang taga-Manila City Hall, kaya malalakas ang loob sa paggawa ng katiwalian?
Naungkat din ng aking Pipit na malupit ang mga ileigal na koneksiyon ng mga barangay hall, partikular sa tubig at ilaw. Ang malaking tanong dito mga ‘igan, nasaan na ang budget ng barangay hall na nakalaan sa tubig at ilaw nito, kung iligal ang tubig at ilaw na dumadaloy?
Nasa bulsa na kaya ni Chairman? Hehehe…dagdag pa sa katarantaduhan ni chairman, may kasabwat na taga-Manila City Hall para sa pagpapa-approve ng barangay budget, aba’y how much ang percentage ng taga-city hall kay Chairman pag naaprubahan ang proposed budget nito?
Hehehe…OMG…habambuhay na lang ba kayong mangungurakot sa kaban ng bayan?
Aba’y paging Mayor “Erap” Estrada… nawa’y masimulan na rin po ang tunay na pagbabago sa barangay na maaaring ugat ng lahat ng katiwalian sa bansa!
E-mail Add: [email protected]
Mobile Number: 09055159740
BATO-BATO BALANI – Johnny Balani