Ang Zodiac Mo (July 07, 2016)

Aries  (April 18-May 13) Hindi ito ang mainam na sandali para sa pagbabago ng ilang mga bagay.

Taurus  (May 13-June 21) Perpekto ang araw na ito para sa pagbabati nang nagtatampuhang magkarelasyon.

Gemini  (June 21-July 20) Maganda ang mood ngayon ngunit magiging makalilimutan.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Ang determinasyon na dati mong taglay ay unti-unting malulusaw ngayon.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Kung nais makipag-break sa karelasyon, gawin ito sa friendly manner kung posible at maging mahinahon.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Kung ikaw ay depressed, bumili ng small gift para sa isang tao, o i-pamper na lamang ang sarili.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Ang iyong pangangailangan ngayon ang mauuna, at pangalawa lamang ang para sa iba.

Scorpio  (Nov. 23-29) Para sa mga nakalagpas sa period nang matinding pressure, oportunidad ngayon para mag-relax.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Hindi ka ganap na makapagre-relax ngayon. Posibleng maging tensiyonado ka hanggang gabi.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Posibleng maging masaya ka ngayon dahil ibibigay sa iyo ang iyong hinihiling.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Ang sirkumantansiya ay posibleng maging pabor sa iyo ngayon, at dapat mo itong gamitin.

Pisces  (March 11-April 18) Gustuhin mo man o hindi, huhusgahan ka nila sa iyong pananamit ngayon.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Mainam na maglaan nang higit pang panahon sa pamilya, at malalapit na mga kaanak.

ni Lady Dee