Monday , July 15 2024

Aktor, naamoy ang tunay na sekswalidad ng ka-loveteam

Nagulat kami nang makatsikahan namin ang kilalang talent manager ng maraming artistang sikat na aliw na aliw siya sa aktor na marunong daw kumilatis ng ka-loveteam.

Medyo mahigpit daw kasi ang girlfriend ng aktor kaya kapag nali-link siya sa ibang aktres ay medyo may isyu ang dyowa niya.

Ang aktres na naging ka-loveteam ng aktor ay matagal ng pinagdududahan ang sekswalidad ng entertainment press dahil matagal na raw nilang napapansin ang dalaga.

Kuwento ng talent manager, “ikaw ba hindi mo halata o pansin si (aktres) na kakaiba ang kilos?”

Sinagot namin ng hindi kasi hindi pa nga namin nakikilala ang binabanggit na aktres kaya wala kaming alam.

“Ano ka ba, kuwentuhan ‘yan sa (TV network), pero I think, she denied it,” sabi pa ng talent manager.

Dugtong pa, “kakatuwa nga si (aktor), marunong siyang umamoy, ha, ha, ha.”

Hirit naman ng mga katotong nakatsikahan namin habang papauwi galing sa isang malaking event sa malayong lugar ay matagal na raw nilang kilala ang aktres.

“In fairness, hindi talaga siya mapapansin kasi maganda siya, mahaba ang hair at pa-girl naman, pero siyempre sa tagal naming naiinterbyu, eh, halata na kasi pati pananalita, medyo iba. Pero idinenay niya noong may magtanong,” sabi ng isang patnugot na medyo mataray.

Ang binabanggit na aktres ay maraming shows dahil marunong naman daw umarte.

Pero ang ka-loveteam niyang aktor, “waley ‘te.  Wala akong makita talaga, para siyang puno talaga,” sabi pa ng patnugot na medyo mataray.

Hirit naman ng isa pang patnugot na pa-sweet pero mataray, ‘manghiram na lang si (aktor) ng acting sa nanay niya, ha, ha, ha.”

Susme, wala akong masabi na talaga Ateng Maricris, ang tataray ng mga kausap natin ‘no?

( Reggee Bonoan )

About Reggee Bonoan

Check Also

Maxine Medina

Maxine maraming nabago sa katawan simula nang magbuntis 

MATABILni John Fontanilla EXCITED na si Maxine Medina na ipanganak ang first baby nila ng asawang negosyanteng …

Teejay Marquez

Teejay balik- Indonesia nag-endoso ng sikat na hotel 

MATABILni John Fontanilla NAKABALIK na sa bansa si Teejay Marquez na ilang araw na namalagi sa Indonesia …

Lito Lapid Lorna Tolentino

Sen Lito nilinaw tambalan nila ni LT hanggang telebisyon lang 

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT si Senador Lito Lapid sa mga manonood ng Batang Quiapo na natutuwa at kinikilig sa …

Lito Lapid Atty DX Lapid

Lito Lapid binigyang halaga ng SPEEd, Icon Awardee sa 7th The EDDYS

KINILALA ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) ang naiambag ni Senador Lito Lapid sa industriya ng pelikulang Pilipino sa …

blind item, woman staring naked man

Male celeb at fave clinic attendant may milagrong ginagawa  

I-FLEXni Jun Nardo ORDINARYO na sa mga staff ng isang derm clinic ang pagdating ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *