Thursday , July 25 2024
aiai delas alas

Ai Ai, nalaglag ang panty at nagpakita ng puwet

TODO-BIGAY! Laglag ang panty ni Ai Ai delas Alas sa isang eksena niya sa pelikulang idinirehe ni Louie Ignacio.

Kaya sa shots, kita ang puwet ng komedyanang nagdudrumama sa proyekto niya ngayon.

Say ni direk Louie, ”Walang takip-takip ng plaster, hubad lang siya at walang panty. But when I shot that scene walang ibang tao sa loob ng set. Kami lang ng DOP (director.of photography) ko siyempre.”

Mukhang dito lubusang mapapansin ang direktor dahil sa gagawin niya sa komedyana.

“Matanda na ako. Kailan pa ba ako gagawa ng seryosong pelikula? Ayoko na ng tweetums- tweetums.

“Bilib ako kay Ai Ai dahil kung anong hingin ng script ibinigay niya. May pumping scene pa siya with Rajah Montero. Ang may breast exposure naman is Sue Prado. Tulala ako!

“Tawanan kami ni Ai. Sabi ko baka ‘di manood ang Mama ko at baka ipalabas lahat ang Mama Mary ko. Her son si Sancho who portrays the role of a bugaw sa film na may sexy scene rin pero hindi pa nakukunan.”

Makapasok kaya ito sa MMFF Filmfest this year?

“Hindi ko alam kung tatanggapin ng MMFF. Baka R-18 kasi ito at gusto rin namin na ilabas sa international festivals.”

Ayon pa kay direk Louie, kada eksenang nakukunan niya rito ay pinapalakpakan nila. At ito na nga raw ang pinaka-daring na nagawa niya.

“Ang masasabi ko, very proud ako kasi magagaling ang mga artista na naiba ang mga acting sa mga nagawa na nila.”

Naghihintay ba ng award ito para sa komedyana?

“Oo naman! Ibang Ai Ai ang makikita nila.”

Todo na nga!

HARDTLAK – Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Benhur Abalos Perci Intalan

Birthday ni Sec Benhur dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz at politics; Direk Perci sinagot pasaring ni Atty. Topacio

PUNOMPUNO ang EDSA Shangri-la Hotel noong Biyernes dahil mula sa mga kaibigan   sa showbiz at politics …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Jennlyn Mercado Beautederm Rhea Tan

Jennylyn nawindang sa diamond bracelet at Hermes bag na regalo ni Ms Rhea Tan

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Huwebes, opisyal na inilunsad si Jennylyn Mercado bilang endorser ng …

Charlene at Aga binigyan ng sariling identity sina Atasha at Andres

RATED Rni Rommel Gonzales MAY reaksiyon rin si Charlene Gonzalez tungkol sa pag-arte sa harap ng kamera …

Gary Estrada Bernadette Allyson Kiko Estrada

Gary ayaw makatrabaho ang ka-pamilya; Kahit si Kiko o asawang si Bernadette

RATED Rni Rommel Gonzales MAY rebelasyon sa amin si Gary Estrada. “Alam niyo ba sa tagal kong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *