Monday , July 15 2024

Lloydie at Teri, wagi sa NYAFF

‘THE Philippine’s biggest star!’ Ganito kung ilarawan ng New York Asian Film Festival sa kanilang official Facebook page ang actor na si John Lloyd Cruz na tumanggap ng Star Asia award dahil sa kanyang magaling na pagganap sa Honor Thy Father ni Erik Matti.

Si Cruz ang kauna-unahang Filipino at Southeast Asian actor na tumanggap ng award mula sa NYAFF na ginanap noong Linggo sa US.

Bukod kay Cruz, binigyang pagkilala rin bilang Star Asia awardees sina Miriam Yeung ng Hong Kong at Lee Byung-hun ng South Korea.

Binigyang pagkilala rin bilang Screen International Rising Star Asia Award si Teri Malvar mula sa kanyang pagganap sa pelikulang Hamog.

Pagkatapos sa NYAFF, muling nagdala ng karangalan sa bansa sa international scene si Malvar nang mapalanunan ang Best Actress award sa Moscow International Film Festival sa Russia. Si Malvar ang kauna-unahang Pinoy na nakatanggap ng award sa nasabing patimpalak.

Ang Hamog ay idinirehe ni Ralston Jover, na kamakailan ay nanalo rin ng Outstanding Artistic Achievement Golden Goblet award sa 2016 Shanghai International Film Festival.

About hataw tabloid

Check Also

Maxine Medina

Maxine maraming nabago sa katawan simula nang magbuntis 

MATABILni John Fontanilla EXCITED na si Maxine Medina na ipanganak ang first baby nila ng asawang negosyanteng …

Teejay Marquez

Teejay balik- Indonesia nag-endoso ng sikat na hotel 

MATABILni John Fontanilla NAKABALIK na sa bansa si Teejay Marquez na ilang araw na namalagi sa Indonesia …

Lito Lapid Lorna Tolentino

Sen Lito nilinaw tambalan nila ni LT hanggang telebisyon lang 

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT si Senador Lito Lapid sa mga manonood ng Batang Quiapo na natutuwa at kinikilig sa …

Lito Lapid Atty DX Lapid

Lito Lapid binigyang halaga ng SPEEd, Icon Awardee sa 7th The EDDYS

KINILALA ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) ang naiambag ni Senador Lito Lapid sa industriya ng pelikulang Pilipino sa …

blind item, woman staring naked man

Male celeb at fave clinic attendant may milagrong ginagawa  

I-FLEXni Jun Nardo ORDINARYO na sa mga staff ng isang derm clinic ang pagdating ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *