Iñigo, inihalintulad si Piolo kay Efron

KAKAIBA  ang sweetness ng mag-amang Piolo at Iñigo Pascual. Para lang silang magkapatid.

Walang nakikitang age barrier ang dalawa kaya naman marami  ang naiinggit.

Sa isang larawan na sabay-sabay nilang nilantakan ang banana cue, marami ang nagulat sa kakaiba nilang bonding.

Ganoon ka-sweet ang mag-ama at bihira lang sa magtatay ang ganoon kalapit.

Samantala,  proud na proud si Inigo  sa kanyang amang si Piolo. Inihambing nga nito si Piolo sa Hollywood star na si Zac Efron dahil sa pelikulang  Love Me Tomorrow na pinagbidahan din nina Dawn Zulueta at Coleen Garcia. DJ ang role ni Piolo gayundin si Efron sa We Are Your Friends.

MAKATAS – Timmy Basil