Wednesday , June 24 2026

Marion, patok ang Unbound album tour!

00 Alam mo na NonieMATAGUMPAY ang first week salvo ng Unbound album mall tour ni Marion na ginanap last week sa SM City Sta. Mesa at SM Center Muntinlupa. Ang mga nagmamahal at sumusuporta kay Marion ay nandoroon kabilang na ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at fans.

Ipinahayag ni Marion na masaya siya sa ganitong mga show. Bukod kasi sa nakakahalubilo niya ang kanyang fans, gusto niyang mag-reach out sa mas maraming tao at music lovers. “Maganda naman po ang naging reaction ng audience earlier, successful naman po yung show, mukhang nag-enjoy ang lahat at marami rin po ang nabentang album.

“One of the best parts talaga sa job bilang singer or performer ay yung ma-perform ko yung original songs ko sa audiences and makita yung reactions nila especially ‘pag first time pa lang nila marinig yung song. Very fulfilling siya,” saad sa amin ni Marion.

Magandang pagkakataon ang album tour ni Marion para mas makita siya ng masa at ma-appreciate ng mas marami ang kanyang musical talent.

Ayon naman sa direktor nitong si katotong Throy Catan, kabilang din sa guests sa mall tour ni Marion sina Josh Yape, Erika Mae Salas, ang mga komedyanteng sina Mj Donayre at Nathan Cabale at ang Names Going Wild Dancers.

Nang usisain namin ang talented na anak ni Ms. Lala Aunor kung bakit Unbound ang title ng kanyang album tour, ito ang kanyang sagot:

“Para po ma-promote yung upcoming na music video namin nila Alex Gonzaga and Morissette Amon, dahil sa July po ang target date ng release nito. Kaya pine-perform ko na rin po sa mall shows yung Unbound.”

Ano ang dapat i-expect sa iba pang mall shows mo? “For this tour, mas nag-focus po talaga ako sa songs sa album. So, kung ano yung ipe-perform ko sa shows, yun din po yung songs sa album.

“Mayroon din pong front acts, dancers, and a meet and greet after ng shows para sa mga bumili ng album.”

Nagbigay din siya ng mensahe sa mga bumili ng kanyang CD at sa mga fans niyang walang sawa sa pagsuporta sa kanya. “Salamat sa pagsuporta ninyo. Sana nag-enjoy kayo sa shows and makita ko pa kayo sa future shows ko.”

Abangan ang kabuuan ng mall tour ni Marion. Mapapanood siya sa SM City Bicutan sa June 26, Sunday 4PM sa Event Center, SM City San Pablo sa July 2, Saturday, 5PM sa Mall Atrium, SM Center Angono sa July 3, Sunday, 4PM sa UGF,  SM City Masinag sa July 17, Sunday, 4PM sa Mall Atrium, SM City San Mateo sa July 23 Sat., 4PM sa 2nd Floor, Cyberzone Area, SM City Taytay sa July 24, Sunday, 5PM sa Event Center, SM Center Molino sa July 30, Saturday, 4PM sa Event Center, at SM City Cabanatuan sa July 31, Sunday, 5PM sa 4L, Roof park.

Samantala, ipinahayag naman ni Marion ang kagalakan sa pagiging bahagi ng reality game show naWe Love OPM ng ABS CBN.

“Very challenging po siya pero masaya rin po dahil napu-push po talaga kami na lumabas sa comfort zones namin and mag-experiment with iconic Filipino songs,” wika pa sa amin ng talented na singer-composer.

Naniniwala rin daw siya na nakakatulong ang show para palaganapin pa ang OPM.

“I think malaki ang nagawa ng show sa pag-promote ng OPM at sa pag-iinvite sa mga icons every week, parang nagiging paraan na rin ito para maipakita sa kanila na ina-appreciate talaga natin yung ginawa nila para sa OPM,” wika ni Marion.

Ano ang masasabi niya sa team niyang Power Chords na binubuo nina Kaye Cal at Marlo Mortel, plus sa mentor ninyong si Nyoy Volante?

“Natutuwa po ako sa team ko dahil game na game rin sila na gumawa ng mga gimmick para sa performances namin. Tapos, nakatulong pa po na very creative yung mentor namin na si coach Nyoy.”

Ano ang tsansa nila rito? “Masayang-masaya ako na nakasama sa competition na ito. Sa ngayon, di talaga natin alam kung ano yung magiging final results, may ilan pang weeks para bumawi, Hahaha! Pero yung main goal lang talaga ng team namin ay mag-entertain and to have fun.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …