Saturday , July 27 2024

Tetay aktibo sa pag-update ng nangyayari sa kanya sa Hawaii

00 fact sheet reggeeMASKI wala sa bansa si Kris Aquino ay aktibo siya sa kanyang social media accounts para may update ang mga tagahanga niya.

Simula noong umalis ng Pilipinas si Kris ay panay na ang posts niya ng mga aktibidades nilang mag-iina sa Hawaii na muli silang bumalik sa ika-apat na pagkakataon.

Ang latest ay ipinost niya ang magagandang view mula sa tinutuluyan nila sa Hawaii, “no need for a filter. Having my coffee on our balcony while reading.”

Sinundan ng napakagandang ulap na ang caption ay hango sa awiting Both Sides Now, ”I’ve looked at clouds from both sides now. From up and down and still somehow. It’s cloud illusions I recall. I really don’t know clouds at all.”

Ilan lang ito sa mga post ng Queen of All Media sa ilang araw na pananatili nila sa Hawaii kasama ang dalawang anak na sinaJosh at Bimby at ilang pinagkakatiwalaang staff.

Kaya kaabang-abang pa ang mga susunod na update ni Kris sa loob ng dalawang buwang pananatili nito sa nasabing bansa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *