Friday , January 28 2022

Michael Walker, Michael Gavrizescu, at Lou Baron, may two-day concert

00 Alam mo na NonieNAKATAKDANG dumating sa bansa ang dalawang young Hollywood stars na sina Michael Walker at Michael Gavrizescu. Magkakaroon sila ng two-day concert sa bansa kasama ang L. A. Music awardee na si Ms. Lou Baron at ang Abra Kalokalike winner na si Mark Kaizer.

Si Walker ay isang actor at recording artist, samantalang si Gavrizescu naman ay international TV commercial model, young record producer and lead vocalist ng bandang Burning Red. Darating sila sa September 29 dahil sa September 30 na nakatakda ang simula ng kanilang two-day concert sa Manila at October 1 naman sa Tagaytay.

Ang concert nila ay bilang pasasalamat sa mga Pinoy na tumatangkilik sa kanilang mga awitin. Voluntary ang kanilang pagpapaunlak na mag-concert dito at hindi sila kukuha ng bayad. Ang kikitain sa show ay ibibigay sa mga batang mahihirap.

Ang Abra Kalokalike winner na si Mark ay nabigyan din ng break ni Ms. Lou sa recording sa new single niyang entitled For Once in My Life na mayroong rap doon si Mark.

Guests din dito ang Kittens at iba pa, mula sa direksiyon ni Charlie Lozo.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Nadine Lustre Tattoo

Nadine muling nagpa-tattoo sa braso

MATABILni John Fontanilla IPINAKITA ni Nadine Lustre ang bagong dragon tattoo sa kanyang braso na umabot hangang …

Sean de Guzman

Sean miss na ang pagsasayaw
BIBIDA NAMAN SA ISANG SERIES

NAKAUSAP ko si Sean de Guzman lately in a serious note. Totoo palang miss na miss na rin …

Jos Garcia

Jos Garcia apektado ng lockdown sa Japan

MATABILni John Fontanilla LOCKDOWN ngayon sa Japan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid 19 …

Iya Villania Drew Arellano Antonio Primo Alonzo Leon Alana Lauren

Iya, Drew at mga anak okey na

RATED Rni Rommel Gonzales BUMALIK na sa kanyang trabaho sa 24 Oras ang host na si Iya Villania matapos …

Marian Rivera Dingdong Dantes Zia Ziggy

Dingdong at pamilya nagpositibo sa Covid

RATED Rni Rommel Gonzales INIHAYAG ni Dingdong Dantes na nagpositibo siya at ang kanyang pamilya sa coronavirus …

Leave a Reply